BB Gandanghari reveals plan to pursue acting in Hollywood

BB Gandanghari on acceptance: "I never aspire to be accepted because I just wanted to actually introduce myself. Whether you accept me or not, that's not my problem anymore. I'm not for acceptance, but I'm really just… Kasi ang kilala sa akin ng tao ay yung old persona ko pa, so I have to introduce myself."


Ibinahagi ni BB Gandanghari sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang plano niyang lisanin na ang Pilipinas upang manirahan na sa Amerika.

Pahayag ng transgender actress sa exclusive interview namin sa kanya sa isang restaurant sa Antipolo noong May 8, wala na raw makakapigil sa kanya dahil “for good” na ang desisyon niyang manirahan sa Amerka.

Paliwanag niya sa kanyang desisyon, “Kasi, parang sa tingin ko, this is the time to move on para…

“Actually, I really wanna pursue my parang artistry abroad. Like, my acting and my everything.

“Parang I wanna try it out as a transgender actress sa Hollywood.

“So, I’ll start auditioning and the prospect of being a transgender actress.”

Napagdaanan na raw ni BB ang pagiging isang transgender fashion and ramp model sa Amerika.

“Well, that was more of the phase in my career. 

“Basically, my career is as an artist that I haven’t explored.

“Actually, when I was in New York, it’s more of an androgynous, e.

“I never presented myself before as a transgender model, but rather than an androgynous model.”

TRANSITION PERIOD. Kailan niya napagdesisyunang i-pursue ang binabalak niyang career sa Amerika?

Tugon ni BB, “I think, yun lang naman ang normal na dapat mangyari, kasi nag-lie low lang naman ako because of my transition.

“That was the reason why I parang held as far as my acting is concerned.

“So, now that... I think, eight years through my transition, I think I’m now ready to really pursue something as a transgender person, really present myself as one.”

Nilinaw ni BB na hindi siya disappointed sa kanyang career dito sa Pilipinas kaya siya aalis.

Pahayag niya, “Not at all, why? I had a naman a full career. 

“BB naman is a total another person.

“And eight years through my transition, actually, I was just really concentrating on my personal journey, and everything else came secondary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s actually the truth. Everything was just secondary when I transitioned. 

“So, now that I think I transitioned, or at least more than half way through transition, now I can make my priorities a little bit different.”

Itinanggi ni BB na ang pag-aartista o pagmomodelo ang rason ng pagbabalik niya dito sa Pinas.

Saad niya, “No, that was all just so I can do something out of my time. 

“But nothing was very serious because nothing was actually more important than my transition.

“So, everything else was just really, okay, if I can do that or do this, why not?

“Parang I was experimenting. I was playing with every option I have and, honestly, I enjoyed every moment.”

ACCEPTANCE. Itinanggi rin ni BB na kaya siya bumalik sa Pilipnas ay para tanggapin siya bilang isang transgender.

Giit niya, ito ay para ipakilala ang sarili niya bilang BB Gandanghari mula sa pagiging Rustom Padilla.

“Siguro kasi wala akong planong magtago.

“Siyempre, uuwi ako, tagadito ako, e. Sino ang makakapigil naman sa aking makabalik?

“Tinatanong ako kung ano ang gagawin ko.

“I was just really truthful and wala akong planong magtago.

“E, sinasalubong ka sa airport, anong gagawin mo, e, di magsasalita ka. 

“Hindi ka naman nagtatago talaga.

“Now, if there’s work, then there’s work. 

“If there’s none, then there’s none.”

Diin pa ni BB, hindi niya kailanman inisip na ang kanyang pagbabalik ay para tanggapin siya ng pamilya niya.

“Sabi ko nga, I never aspire to be accepted because I just wanted to actually introduce myself. 

“Whether you accept me or not, that’s not my problem anymore.

“I’m not for acceptance, but I’m really just…

“Kasi ang kilala sa akin ng tao ay yung old persona ko pa, so I have to introduce myself.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IN AND OUT. Hindi naman daw talaga nanatili si BB sa Pilipinas nang diretso dahil pabalik-balik siya sa Amerika tuwing anim na buwan.

“In and out naman ako. I was really in and out all this time. 

“Six months dito, six months sa Amerika. 

“I was just really in and out”

Nabagot ba siya na natulog ang artistry niya dito sa Pilipinas?

Nakangiting sagot ni BB, “Hindi. Walang boredom kasi everything was a process.

“Parang what I’ve done in the past five years was all I wanted to do.

“I do what I wanna do, whether that is cha-cha or ‘yan yung pinaka-chill lang na buhay, whatever it is. 

“I only do what I wanna do. So, now, it’s just a normal process.

“Now, I think I’m more comfortable and more confident of what I’ve become.

“Now I’m ready to face life, now I’m ready to work, now I’m ready for a bigger time maybe.

“Now I’m more ready to express myself, it’s just that I am exposed abroad. 

“I wanna explore what I have been exposed to. Not that I am frustrated... but no.

“It’s just that I saw there’s a potential over there and resident ako doon. So, why not?”

Pagdating daw ni BB sa Amerika, sisimulan na niya ang paghahanap ng talent agencies na tutulong sa kanyang maghanap ng trabaho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN