John Lloyd Cruz downplays open communication with ex-GF Angelica Panganiban

John Lloyd Cruz on Angelica Panganiban's 'hugot lines': "It wouldn't be too great para isipin ko na para sa akin yun. Not everything is about you John Lloyd. Napaka-arogante naman kung iisipin ko na lahat ng yun patama sa akin."


Nagpasalamat si John Lloyd Cruz sa ex-girlfriend na si Angelica Panganiban dahil sa pagpu-promote nito ng pelikula ng aktor, ang Just The 3 of Us, sa Instagram.

Read: Angelica Panganiban promotes ex-boyfriend John Lloyd Cruz's movie on Instagram

Pahayag ng Kapamilya actor tungkol sa dating kasintahan, “Oo nga, e, nagpapasalamat ako sa kanya.

“Ganun naman siya ever since and, like I’ve said, we’re friends.

“Ang friends naman, nagbibigay ng suporta sa isa’t isa.

“Openness sa communication. Yun lang naman ang puwede mong ibigay para mag-function yung friendship.”

Sa isang interview kay Angelica, nabanggit nitong bukas pa rin ang komunikasyon nila ni ni John Lloyd.

Para naman sa aktor, normal lang naman ito sa dalawang taong may malalim na pinagsamahan.

Ngunit pinangunahan na niya ang media tungkol sa posibilidad na magkabalikan sila.

Saad niya, “Alam ko na naman ang gagawin ninyo dito…

“Pag may communication, parang iba na naman ang made-develop na kuwento, e.

“Alam naman nating lahat yun. It’s normal, all but normal.

“Sana huwag mabigyan ng kulay o mabigyan ng ibang ibig sabihin because dalawang tao kami na may pinagsamahan.

“Hindi naman imposible na maging magkaibigan kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si John Lloyd sa launching niya bilang bagong endorser ng Great Taste coffee, sa Crowne Plaza, kahapon, May 11.

HUGOT LINES. Inusisa rin si John Lloyd tungkol sa ‘hugot lines’ ni Angelica sa gag show ng ABS-CBN na Bunana Sundae.

Pahayag niya tungkol dito, “It’s a gag comedy show, so parang hindi ko naman…

“It wouldn’t be too great para isipin ko na para sa akin yun. Not everything is about you John Lloyd.

“Napaka-arogante naman kung iisipin ko na lahat ng yun patama sa akin.

“Sa kaso namin, alam namin ang totoo, alam ko ang totoo.

“I think it’s more than enough para di ko isipin yung mga ganung bagay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IS HE DATING NOW? Ngayong matagal-tagal na rin siyang walang girlfriend, tinanong si John Lloyd kung nakikipag-date na ba siya ngayon.

Tugon ng 32-year-old actor, “Sana, hindi pa...

“Wala, marami pang trabaho. I’m really taking my time.

“Kasi medyo may edad na rin tayo, di puwedeng pa-date-date lang.

“I’d rather be working than dating.”

Karamihan sa mga kapanabayan o kaedad ni John Lloyd kung hindi man nagsipag-asawa na ay engaged na.

Marami naman ang curious malaman kung kailan makikita ang aktor na mag-asawa at bumuo na rin ng sariling pamilya.

Saad niya, “Parang hindi naman yata hinahanap yun.

“Ganun din, parang no one is ever ready naman din dun pag ganun.

“I guess, when it happens, it just happens.

“Yeah, pero hindi pa naman ako ganun katanda. I think I have enough time.

“I’m enjoying this, I have more time for myself, more time to exercise yung mga bagay na interesado ako about.

“Kung may dumating, bakit hindi?

“But for now, okay muna ako sa ganito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN