Derek Ramsay reveals reason why he hasn't proposed yet to Joanne Villablanca

Derek Ramsay on his ex-girlfriends: "I had my mistakes, pero lahat sila minahal ko. I think, you can see, lahat ng naging girlfriends ko, kaibigan ko."


Marami ang nagtatanong kung handa na raw mag-asawa muli ang hunky actor na si Derek Ramsay.

Lalo na nga't hindi niya ipinagkakailang masyado siyang in love sa kanyang current girlfriend na si Joanne Villablanca.

Handa na ba siyang yayain itong magpakasal?

Pahayag ni Derek sa PEP.ph (PhilippineEntertainment Portal), “Is it coming too soon? Let's not jinx it.

“It's there at the back of my head, you know, how I would do a proposal, if that would come.

“But for now, I want to make sure na everything would be smooth sailing from that day on.

“I thought of plans, pero ako, sabi ko nga, I wanted it from the heart, e.

“When I’m there, kung ano ang sinasabi ng puso ko.”

Bakit nga ba hanggang ngayon ay parang malayo pa sa isip niya ang muling lumagay sa tahimik?

Paliwanag ng Kapatid actor, “Because the most important thing in a relationship, especially marriage, is time.

“And how would we start our relationship like that if I don't have time for my family.

“So, work hard, save para maging maganda ang future.”

Patuloy niya, “Siguro talaga yung oras.

“Hindi ko maibibigay ang... hindi ako magiging tutok sa pamilya ko kung heto ang trabaho ko, mahihirapan talaga ako.

“Kita niyo naman, I guess, sawang-sawa na kayo na marinig how close I am to my family.

“I want, at least, to give eighty percent of my time.”

ANOTHER BABY. Pero yung magkaroon ng isa pang anak, nasa isip ba niya ito?

Napangiting sagot ng My Candidate leading man, “Yun ang gusto ko... with her [Joanne].

“Like, I came from Davao, nag-tournament kami dun.

“Yung isang kaibigan ko, dala niya yung anak niya, a little boy.

“Ako talaga ang naglalaro sa kanya.

“Sabi ko, 'Bro, gusto ko na ng ganito.'

“Ang sarap yung pagod ka, tapos nakikita mo yung bata, yung amoy ng bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napag-uusapan namin [ni Joanne], pero siya rin, hindi pa ready to have a child until, you know, alam na niyang may oras na kami para sa isa't isa.”

LADY MAGNET. Sa kabila ng relasyon nila ni Joanne, hindi pa rin daw maiwasang may ibang babaeng nagkakagusto kay Derek.

Kaya pabiro namin siyang tinanong kung problema ba niya ang pagiging malapitin sa mga babae.

Natawang sagot ni Derek, “The problem is... I don't know if this makes sense, but mahirap makahanap ng tamang babae.

“Kasi, there's so many girls that would approach you and you don't know what their intentions are.

“It's harder to pick someone who wants to fall in love with and be with you for the rest of your life.

“But I made so many mistakes, I'm a sucker for love, I've gone so many heart breaks, but I never give up on it.

“I continue to try and find that right person like my dad did.

“My dad had his first wife and found the love of his life after that, and they’re still together 'til this day, and they are still happily married.

“I want that.”

Ibig sabihin ba nito, mas marami siyang naging girlfriends kumpara sa kanyang ama?

“We never talk about that!” tawa ulit ni Derek.

“Guys, for somebody my age, I don't think I had a lot of girlfriends.

“Nabibilang ko pa rin... less ten.

“My dad was really dedicated to his work, and he really fell in love with my mom, hinabol niya talaga ang mom ko.”

Sa dami ng naging girlfriends niya, lahat naman daw ito ay minahal niya.

Aniya, “Yeah, I had my mistakes, pero lahat sila minahal ko.

“I think, you can see, lahat ng naging girlfriends ko, kaibigan ko.

“Even Angelica [Panganiban], we find time to heal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Even Solenn [Heussaff], we did a movie and I’m very happy for her, she's very happy for me.

“Four years si Solenn, and six years si Angelica, that's ten years of my life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN