Nadine Lustre treats boyfriend James Reid with a surprise pool party

Isang surprise pool party ang inihanda ni Nadine Lustre, kasama ang kaibigang si Bret Jackson, para sa boyfriend niyangs i James Reid noong May 10 sa Antipolo.


Isang surprise pool party sa Antipolo City  para sa 23rd birthday ng kanyang boyfriend na si James Reid ang inihanda ni Nadine Lustre noong May 10, isang araw bago ang mismong kaarawan ng aktor.

Tatlong araw na pahinga ang hiningi ni James kaya muntik nang hindi matuloy ang birthday asalto dahil nagalit ang aktor nang bigyan siya ng schedule ng handler niya.

Mismong si Nadine ang nagkuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagpaplano niya para sa surprise birthday party at sa mga nangyari bago ito natupad.

“Kami ni Bret Jackson, more than a week kami nagplano, medyo matagal.

“Ang hirap kasi magplano ngayon, mga reunion, party, kasi nga summer.

“Ang plano namin talaga namin ni Bret, pool party.

“So, lahat ng mga private pool sa Antipolo, booked na, e, ayaw namin ng malayo kasi lahat puro Batangas na, Tagaytay.

“Nakakita kami sa Antipolo, nung nakakita kami, tuluy-tuloy na yung plano namin.”

Good Morning �

A photo posted by Bret Jackson II (@bretwaw) on

Patuloy ni Nadine, “Nakatunog  siya [James].

“Mahirap kaya every time na tinatanong ako, clue, clue, hindi ako nagbibigay.

“Kasi kahit konting clue, mahuhulaan at mahuhulaan niya.

“Sabi ko sa handler niya, ‘Ate Ka, bigyan mo si James ng schedule ng May 10 kasi nagplano kami ni Bret ng surprise party para sa kanya.’

“Baka magplano ng ibang lakad... patay tayo!

“Lahat ng friends niya, na-invite na namin, naka-booked na, plantsado na lahat.

“Tapos sabi ni Ate Ka [kay James], ‘O, may schedule ka ng May 10, sa Antipolo, kina Boss ‘yon, pumunta ka.’

“Nagalit siya kasi break niya yun, e, May 9, 10, and 11, kasi birthday niya.

“Nagalit siya kasi birthday niya. Tapos nakatunog siya.

“Sabi ko kay Ate Ka, i-cancel na lang niya. Kinansel naman.

“Tapos si Bret naman, niyaya siya, May 10 na ‘to. Sabi niya, ‘Punta tayo ng Antipolo, chill lang tayo doon.’

“Sabi ni James, ‘Sige, sige, punta tayo doon.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Muntik na niyang kagatin pero hindi naman niya alam ang mangyayari.

“Alam na niya na surprise party. Wala siyang idea.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN