Mike Tan willing to go bare for a good story

Mike Tan is one of the loyal stars of Kapuso, and he is thankful, "Kuntento ako... May trabaho naman ako, consistent naman yung takbo, hindi ko pa nakikitaan ng opening para makalipat ako or lumipat ako. Mahal ko yung GMA, kung papaano nila ako mina-manage."


Maituturing na isa sa loyal artists ng GMA-7 si Mike Tan.

Ultimate Male Survivor ang aktor sa season 2 ng StarStruck.

Pero hindi lahat ng produkto ng StarStruck ay nanatiling Kapuso, tulad ng mga kapwa winners ni Mike na sina Steven Silva, Martin Escudero, Jewel Mische, at Sarah Lahbati.

Si Mike naman ay labingdalawang taon na sa GMA.

Komento niya, “Tingin ko yung mga nangyaring yun, personal choice nila yun.

“Kung anuman ang masasabi ko sa kanila, good luck dun sa pinili nila.

“Hindi ko rin naman sila masisisi kung bakit sila umalis kasi personal choice nila yun.

“Hindi na nila nakikitaan ng… kasi nagtatrabaho lang kami.

“Kung wala nang trabaho dun sa isang lugar, siyempre lilipat ka, 'di ba?”

Wala naman daw dahilan si Mike para mag-isip na lumipat.

Aniya,“May trabaho naman ako, consistent naman yung takbo.

“At least once or twice a year may trabaho ako. Hindi ko pa nakikitaan ng opening para makalipat ako or lumipat ako.

“So far, okey ako dito at mahal ko yung GMA, kung papaano nila ako mina-manage.

“Kuntento ako.”


DARE AND BARE. Samantala, ang ka-batch ni Mike sa StarStruck at ex-girlfriend na si LJ Reyes ay nagpaka-daring nang husto sa sexy scenes nito sa indie movie na Anino sa Likod Ng Buwan.

Hindi raw niya napanood ang pelikula kaya hindi niya alam kung gaano katapang ang mga eksena nina LJ at Luis Alandy sa naturang pelikula.

“Tingin ko, kaya siya [LJ] nanalo [ng acting award] dun, dahil sa bukod sa magaling siyang umarte , tingin ko dahil din dun sa flow nung istorya.

“Ginawa ni LJ yun dahil maganda yung istorya nung indie movie na yun.”

May butt exposure at pumping scenes doon si Luis, kaya ba ni Mike ang ganoong katinding mga eksena sa isang pelikula?

“Gagawin ko rin iyon kung ganun ding kaganda yung istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Aktor kami, kasama yun sa pag-arte!”

Kahit walang limitasyon?

“Kapag kailangan at hiningi ng script,” pakli pa niya.

Bida si Mike ngayon sa drama series ng GMA The Millionaire’s Wife katambal si Andrea Torres.

Inabot ng halos apat taon bago siya muling naging leading man.

Ang huli ay noong 2012 sa Faithfully.

Ano ang pakiramdam na bida siyang muli sa isang serye?

“Hindi ko naramdaman yung, ‘Wow!’ Hindi ko naramdaman na, ‘Thank you!’

“Thankful lang ako na nangyari siya at na-pressure ako na kailangan kong mas galingan at mas i-portray nang maayos yung role ko.

“Kasi nakakakaba na maging leading man ulit unlike before na ang alam ko lang support ako.

“Walang masyadong burden sa akin, kasi I’m just there to support.

“But this time, kasama ako sa mga bida, at kailangan ko talagang suportahan si Andrea dito sa The Millionaire’s Wife.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN