Juancho Trivino reveals why his relationship with Louise delos Reyes did not blossom

Juancho Trivino on getting his first lead role: "I am more ready than I was before. Nararamdaman ko po yung pressure pero more on excitement. Ito po ang pinangarap ko simula nang mag-sign up ako sa GMA at nabigay na sa akin. Lamang pa rin ang excitement kesa sa pressure."


Makalipas ng tatlong taon sa showbiz ay leading man na si Juancho Trivino.

Ito ay sa bagong panghapong serye ng GMA-7 na Magkaibang Mundo.

Nagsimula siya sa pagiging bida sa youth-oriented show na Teen Gen, masasabi ba ni Juancho na handang-handa na siya ngayong maging leading man?

“Well, hinintay ko ang sarili ko na maging ready, parang nasa sa akin talaga ‘yan.

“Kung nakita naman ng GMA na ready na rin ang ibang artista na maging leading man, binibigay naman nila talaga.
 
“Kailangan ng leading man, e,” saad niya.
 
Sinasabi ba niyang kulang ng leading man ang Kapuso network?
 
Paliwanag ni Juancho, “Hindi, hindi sa ganun, kailangan talaga ng bago.

“Kahit naman saang business, kailangan ng innovation.

“Para sa akin, I am more ready than I was before.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juancho sa ginanap na presscon ng Magkaibang Mundo nung May 12, sa 17th Floor ng GMA Building. 

 
NEW LOVE TEAM Silang dalawa ni Louise delos Reyes ang bagong love team na inilulunsad ng GMA-7. 

Sinimulan ito sa pagtatambal nila sa Magkaibang Mundo.

May kaba nga raw na nararamdaman si Juancho sa unang pagbibida niya sa teleserye.
 
Aniya, “Siyempre may kaba po, first lead ko po, si Louise, sanay na, e.  

“Nararamdaman ko po yung pressure pero more on excitement.
 
“Ito po ang pinangarap ko simula nang mag-sign up ako sa GMA at nabigay na sa akin.

“Lamang pa rin ang excitement kesa sa pressure.”
 
Natuwa naman raw si Juanco nang malaman niyang si Louise ang leading lady niya.
 
“Siyempre natuwa ako kasi si Louise, kilalang-kilalang artista na siya.

“Magaling siyang umarte, I can learn from her.

“At saka yung mga naging ka-love team niya before, hindi naman kung sinu-sino lang.
 
“Naging successful yung mga love team niya before, basically, yun yun.”
 

POSSIBILITIES. Parehong hindi itinanggi nina Juancho at Louise na naging malapit na rin sila dati at nagde-date.
 
Sabi nga ni Louise, “jogging-jogging, kape-kape” raw sila dati.
 
Bakit hindi sila nauwi sa “something?”
 
Ayon kay Juancho, “May priorities kasi kami that time, premier actress na siya nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong time ng Kambal Sirena ‘to, nasa primetime na siya.

“Ako naman, barely struggling with my career.
 
“That time, kailangan ko talagang mag-ayos, hindi ko kailangan ng distraction. 

“I’m not saying she was a distraction, but mas kailangan ko talagang mag-focus.  

“Hindi naman kami umabot sa point na yun, hindi naman namin napag-usapan

“And sa tingin ko, yun ang mga naging hindrance namin, may mga priorities lang talaga.”
 
Ngayong magkasama na ulit sila ni Louise sa isang project, posible kayang may ma-develop?
 
Saad ni Juancho, “Hindi ko sinasara or anything, I’m not closing my book on anything. 

“Siyempre, hindi ako puwedeng magsalita nang tapos na 'Oo, magkakaroon kami ng something,' or hindi rin.
 
“Sa show na ito, palagi kaming magkasama, sa mga regionals, mall shows, sa mga eksena.

“May mga scenes na kailangan talaga naming mag-pretend na we’re something.

“Siyempre, hindi ko masasabi kung ano ang nararamdaman ng puso ko that time.”
 
Sa ngayon ay wala raw siyang girlfriend.


GOOD PHYSIQUE. Dahil ginu-groom na nga siyang leading man ay kinakailangan ni Juancho na panatilihin ang magandang pangangatawan?
 
Pero sabi niya, “Hindi naman, kasi may mga leading man naman na hindi naman required na maghubad.

“As long as kaya niyang umarte na sobrang galing.
 
“Pero sa panahon ngayon, plus factor siyempre na maganda yung katawan.”
 
Sa rami ng naglabasang sex video, masasabi niya bang wala siyang ganun?
 
“Wala po,” mabilis niyang sagot, “Hindi ko naisipan ‘yan, e, wala na po akong panahon sa ganyan.”
 
Magka-batch sila ni Jeric Gonzales na isa sa mga young actors na sinasabing sangkot sa video scandal.
 
“Nagulat ako, nagulat ako siyempre,” lahad ni Juancho, “tahimik lang kasi si Jeric...”
 
Natawa pa niyang sabi, “Parang ako pa yung mas wild.
 
“Well, siyempre, hindi ko ine-expect na galing sa grupo namin, tahimik pa. 

“Siya kasi yung parang wala lang, pero kinausap naman namin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman namin siya diniin, sabi lang namin, kapag may pinagdadaanan siya, puwede kaming i-approach.
 
“Approachable naman kami.”


COSMO BASH. Aminado naman si Juancho na “kinarir” daw niyang talaga ang katawan ngayon pero sa ibang kadahilanan.
 
“Well, kinarir ko po talaga ito, pero hindi nga po ito ang pinaghahandaan ko, yung Cosmo po.”
 
Sa unang pagkakataon ay rarampa nga raw siya sa Cosmo Bash.
 
Sa isang banda, handa na rin ba siya kung may mga bading na magnanasa sa kanya?
 
“Opo naman, kasi kasama naman po sa trabaho namin yun, kung may magnanasa sa amin.”
 
May mga nagnanasa na sa kanya, mga nagti-text?
 
“Sa tingin ko,” natawa niyang sabi, “Wala namang proposal. 

“We’re talking about indecent proposal, I’m not for it.

“Sasabihan ko na lang po na kung may gusto siya sa akin, tanungin na lang po ang GMA Artist Center or ang manager ko.

“O kaya, manood na lang po kayo ng Magkaibang Mundo,” natawa niyang sabi.

Biniro tuloy si Juancho na siya raw pala ang duwendeng may abs sa Magkaibang Mundo.
 
“Nagsi-sit up po ang duwende,” birong sagot naman niya.
 
Kahit duwende ang role niya, may mga eksenang topless si Juancho.
 
“Kasi po, kapag naha-hatsing ako, babalik ako sa pagiging duwende.

“Parang yun ang sumpa sa akin, nahuhubaran po ako kasi siyempre, may damit ako. 

“Kapag lumaki ako, mapupunit yun, Ganun din kapag big to small.

“Kaya marami akong scenes na, tulad po ng tumatakb ako sa palengke, nakahubad ako.”
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN