Juancho Trivino denies bullying Alden Richards when they were in college

Aminado si Juancho Trivino na kahit magkaklase sila ni Alden Richards noong college ay hindi talaga sila close. Pero, hindi naman daw nila binu-bully noon ang kapwa Kapuso star.


Magkakalase noong college sa La Salle-Canlubang, Laguna, sina Juancho Trivino at Alden Richards.

Ngayong pareho na silang nasa showbiz, iniintriga silang hindi raw nagbabatian kahit magkasama sila sa iisang istasyon.

Kahit daw noong college, hindi rin daw sila naging close at may balita pa ngang binu-bully raw ng grupo nina Juancho ang grupo naman nina Alden.

Pero mahigpit itong itinanggi ng aktor. Sabi niya, “Wala naman, magkaiba lang talaga yung group of friends namin.

“Kasi ako noong college ako, kasama ko ang mga varsity [players] kasi varsity ako nung college.

“'Tapos siya, kasama rin niya ang mga barkada niya. Hindi rin talaga kami masyadong naging sobrang close.

“Pero magkakilala kami kasi classmates kami, batian lang. Magka-batch kami, same course.”

Ano naman ang katotohanan sa isyu ng bullying?

Kuwento ni Juancho, “Hindi naman.

“Siguro hindi lang talaga magkasundo yung barkada namin that time.

"Yung mga barkada ko kasi magugulo, mababait lang yung barkada niya, palaaral.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Juancho sa grand presscon ng Magkaibang Mundo nitong nakaraang Huwebes, May 12.

Si Juancho ang bida sa naturang panghapong serye ng GMA at ka-love team niya rito si Louise delos Reyes.

Mapapanood na ito simula sa Lunes, May 16, pagkatapos ng Eat Bulaga!.

FRIENDS BUT NOT CLOSE. Ngayong pareho na silang nasa GMA, may mga nagsabi namang hindi raw sila nagbabatian. Totoo ba ito?

Ayon kay Juancho, "Nagbabatian kami. Hindi ko alam kung saan galing yung issue na hindi kami nagbabatian.

“’Pag nagkikita kami, nagka-catch up kami, nagkukuwentuhan kami about college kasi may mga common friends kami na, ‘Uy kamusta na si Ganito?’

“Ako kasi late ako umalis ng school, e. Siya mas maaga.

"Kinukuwento ko sa kanya about yung mga classmates namin before.”

Pagbabaliktanaw pa niya noong magkaklase pa sila, “Nirerespeto si Alden sa school namin kasi unang-una, pagpasok pa lang namin ng college, isa na siya sa pinakaguwapo talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN