Gina Alajar happy about son Geoff Eigenmann's love life

Direk Gina Alajar notes the positive changes in son Geoff Eigenmann since his new relationship with GF Maya: "That I can talk about. Masaya siya. Mabait si Maya. Magkasundo sila. Magaan, magaan yung relasyon nila. Wala akong pinagkukumparahan ha? Yun lang ang nakikita ko."

 


Noong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Gina Alajar sa ginanap na presscon ng Magkaibang Mundo noong nakaraang Huwebes, May 12, sa 17th Floor ng GMA building, kinumusta namin ang estado ng kanyang anak na si Geoff Eigenmann.

Masaya naman daw si Direk Gina sa nakikita niyang mga pagbabago sa buhay ni Geoff ngayon dahil sa lovelife nito.

Nitong mga nakaraang buwan kasi ay balitang nagkakamabutihan na sina Geoff at ang singer na si Maya, na isa sa mga pinakabagong talents ng PPL Entertainment.

Matatandaang matagal ding nanatiling single si Geoff mula noong naghiwalay sila ng girlfriend niyang si Carla Abellana noong 2014.

“Masaya siya!

“That I can talk about. Masaya siya.

“Mabait si Maya. Magkasundo sila.

“Magaan, magaan yung relasyon nila. Wala akong pinagkukumparahan ha? Yun lang ang nakikita ko.

“Pero yun, ganun lang sila, tawanan lang sila nang tawanan palagi,” masayang balita niya.

Mas gusto niya ang nakikita niya ngayon kay Geoff?

“Mas gusto ko ang nakikita ko kay Geoff.

“Kasi, he’s lighter. Parang wala siyang problema.

“But wala naman talaga siyang problema, but he seems happy, he’s very happy,” dagdag niya.

Sabi pa niya, “Yung mga kasambahay namin ang magandang tanungin.

“Sabi nila, 'Palagi pong naka-smile si Sir Geoff ngayon.'

“Sabi ko, 'Ah talaga?'

“'Opo! Palagi pa nga po kaming niloloko ngayon.'”

Nagkakilala na rin sila ni Maya?

Aniya, “Yeah, I met her personally na and okey naman.”

NEW MANAGER. Sa mga hindi nakakaalam, pareho na rin sila ng talent management ng anak na si Geoff. Si Direk Gina ang pinakabagong talent ngayon ng PPL Entertainment, Inc.

Bakit niya naisipang magpa-manage na rin kay Perry Lansigan?

“Well, after Kuya Germs [German Moreno] passed away, I felt that I needed someone to stand for me.

“Kasi si Kuya Germs does that for me, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi man masyadong visible si Kuya Germs, kapag malalaking deals na, kapag hindi ko na kaya, si Kuya Germs ang kumakausap nun.

“Kay Kuya Germs, nabibigyan ako ng proteksiyon lalo na kapag hindi natin masyadong kakilala ang ka-deal natin.

“So when he passed away, I had no one to turn to, di ba?

“So, nag-isip lang ako kung kanino ako maaaring lumapit, na makakatulong at alam kung ano... more than anyone else, alam kung ano ang takbo ng utak ng pamilya ko, utak ko.

“So kinausap ko si Perry.

“Sabi ko, 'Pers, lilipat na ba 'ko sa ‘yo?'

“So ganun lang. Ganun lang ka-informal ang pag-uusap namin.

“I just trust him. Hindi lang ako sanay na may road manager,” natawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN