Will Jasmine Curtis-Smith be part of AlDub movie?

Jasmine Curtis-Smith has been rumored to be part of the cast of Imagine You and Me, the first movie of Alden Richards and Maine Mendoza. Though the producers have not yet announced the movie's official cast, Alden and Maine have started shooting in Italy.

 


Makakasama nga ba si Jasmine Curtis-Smith sa Imagine You and Me, ang kauna-unahang solo movie ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza?

Ito ang katanungan ng mga netizens at AlDub fans dahil kalat ngayon sa internet ang balitang kasama raw si Jasmine sa mga na-cast para sa naturang pelikula.

Kahapon, May 14, sa tweet ng isang entertainment writer na may account name na @nitzcape, inanunsyo niya na may makakasama raw na magandang young actress sina Alden at Maine sa kanilang pelikula.

Ito ay si Jasmine.

Nilinaw naman ni @nitzcape na hindi daw magiging third wheel si Jasmine sa AlDub.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon o anunsyo mula sa APT Entertainment, GMA Films, at APT Films director Mike Tuviera tungkol sa final casting ng Imagine Me and You.

Samantala, kasalukuyang nasa Italy sina Alden at Maine para sa shooting ng kanilang pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN