Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Louise delos Reyes noong May 12 sa presscon ng Magkaibang Mundo sa 17th Floor ng GMA Building, kinumusta namin ang kanyang love life.
Masaya raw siya ngayon, pero itinanggi ni Louise na masaya siya dahil sa matagal-tagal na ring nababalitang relasyon nila ng miyembro ng bandang Hale na si Champ Lui Pio.
Ayon kay Louise, “Wala, I’m single.”
JUST FRIENDS. Kung ganun, once and for all, ano talaga ang meron sa kanilang dalawa ni Champ?
“We’re friends, we’re friends. We’re just friends,” paglinaw niya.
Lumalabas sila?
“Well, barkada.
“Kapag may mga gigs, naiimbitahan ako minsan. And I’m a fan of Hale kasi.
“So siguro nabibigyan lang ng kulay.”
FOCUS ON WORK. Posibleng maingat na rin ba siyang pag-usapan ang lovelife nila?
“Wala kasi talagang pag-uusapan.
“Medyo nganga ako this year.
“Pero minsan I go out, pero hindi talaga siya yung masasabi kong dating or meron akong masasabi na boyfriend ko.
“Since ngayon, kakahanap ko lang din naman sa sarili ko, trabaho na lang muna.”
