Baron Geisler altercation with students caught on video

Baron Geisler figured in another viral video this Sunday, May 15. The Facebook video, uploaded by Khalil Verzosa, shows the actor in an altercation with some students. Based on the caption, the students contracted Baron to be part of an editorial design campaign for a school production. Unfortunately, the actor seemed to have lost his temper due to time constraints and other logistical problems.
 

 


Kasalukuyang pinag-uusapan sa social media ang video ng pagwawala at pakikipag-away sa mga estudyante diumano ng aktor na si Baron Geisler.

Ang video ay in-upload ng Facebook user na si Khalil Verzosa ngayong Linggo, Mayo 15.

Kalakip nito ay ang kuwento kung bakit nila nakasama si Baron.

Ayon sa caption ni Khalil:

"We had a school prod for an editorial design campaign.

"We got him to act, pumayag siya, tapos inayos namin yung script.

"Natagalan ng mga ilang oras at since students kami daming ginagawa so we were pressed with time.

"Late nakapagcoordinate kay baron kaya late yung script na nabigay.

"Pero as a director, I made sure na morning ko masend na sa kanya at the very least, kasi maikli lang naman.

"Natuloy kami at nagsorry nung dumating siya sa set pero nagpaparinig na siya na sana kasi maaga binigay yung script, so nagsorry pa rin kami kasi alam naman namin na kasalanan namin."

Ang video ay tumagal nang isang minuto.

Makikita sa buong video na pinagmumura ni Baron ang mga estudyante.

Sa bandang 00:45 ng video hanggang sa ma-cut ito ay makikitang sinaktan ni Baron ang isang lalaking estudyante.

Screen grab from Khalil Verzosa's video on Facebook

Pahayag ni Khalil tungkol sa gulong nangyari, "It's not right to pick on us, we're a still student prod, we put our hearts into this production and advocacy.

"Kahit ako pa ang nagwaldas ng pera para lang mabayaran yang TF niya, wala talaga kaming budget at nagkaroon pa ng kaunting aberya."

Nagbigay din siya ng mensahe para sa aktor.

"Baron Geisler, wala kang karapatan na mag beastmode, kaya sa tingin ko na dapat kong ipost ito. para makita ng lahat na mali yang ginagawa mo.

"Share niyo yung video para maturuan ng leksyon!!!"

Kaugnay sa isyung ito, nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Baron para sa kanyang panig, ngunit hindi pa niya ito sinagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN