Isabelle de Leon sympathizes with Jiro Manio's personal struggles: "Nagdurugo ang puso ko for him."

Former child star Isabelle de Leon sends her message of support and sympathy for good friend and former Magnifico co-star Jiro Manio: "Kuya Jiro, nandito kami para sa 'yo. Yung battle mo, hindi madali pero kung kasama mo naman kami. Mas mapagtatagumpayan mo naman 'yan, kasi nandito naman kami kasama mo."

 


Nagkasama sa pelikulang Magnifico sina Isabelle de Leon at Jiro Manio noong 2003.

Dahil sa mga pinagdaanan ni Jiro nitong nakaraang taon, inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang saloobin ni Isabelle tungkol sa kanyang kaibigan nang makapanayam namin siya sa presscon ng Magkaibang Mundo noong nakaraang Huwebes, May 12, sa GMA Network Center.

Read: (UPDATED) Former child actor Jiro Manio found wandering at NAIA Terminal 3

“Malungkot,” ang panimulang pahayag ni Isabelle tungkol sa pinagdaanan ni Jiro.

“Malungkot talaga.”

Paano niya unang nalaman na may pinagdadaanan si Jiro?

Kuwento niya, “May nag-tag sa akin sa Instagram na, ‘O, si Jiro daw natagpuan sa airport, sa NAIA!’

“Nagulat ako, ‘Joke ba ‘yan?’

“Tapos, sabi wala daw dun si Tito Andy, yung papa niya. So sabi ko, ‘Tara, puntahan natin!’

“Nung mismong araw din na yun, sabi ko, ‘Dad, tara punta tayo!’

“Pupunta na kami, kaya lang sinabi, dumating na daw yung mga pinsan.

“So sabi ko, ‘O sige, hayaan mo na sila kasi siyempre privacy nila 'yan.’

“Pero kung wala siyang pamilya dun, pupuntahan na namin.

“Pupunta talaga kami, by hook or by crook.

“Kasi kumbaga, kahit trabaho lang yun, yung sa Magnifico namin e halos nakasabay ko rin siyang lumaki, e.”

NO COMMUNICATION WITH JIRO. Matatandaang June noong nakaraang taon noong natagpuan si Jiro na palakad-lakad sa NAIA Terminal 3; kalaunan ay napag-alaman na ilang araw nang nakatira sa NAIA si Jiro na marumi ang damit at halos hindi kumakain.

Wala raw komunikasyon sina Isabelle at Jiro mula noong gawin nila ang Magnifico. Gumanap silang magkapatid sa naturang pelikula.

Kaya ikinagulat niya noong nalaman niya ang tungkol sa sitwasyon ng young actor.

Tulad ng alam ng publiko, nalulong sa droga si Jiro at matapos ng kanyang panunuluyan sa airport ay kinupkop siyang pansamantala ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas, na siya namang nagrekomenda na mas makakabuting ibalik ito sa rehab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Jiro Manio back in rehab due to illness, says Ai-Ai delas Alas

Hindi pa raw nakakausap ni Isabelle si Jiro.

Nais raw makita ni Isabelle si Jiro.

Aniya, “Oo naman!

“Pumunta kami sa bahay nila mismo, nila Jiro. Wala siya dun, na kila Ms. Ai Ai na nga daw.”

Ano ang naging damdamin niya sa kinasapitan ni Jiro?

“Una siyempre, nagulat ako.

“Hindi ko akalain na iyon, ganun yung sitwasyon niya.

“Pangalawa, nagdurugo ang puso ko for him, kasi napakahusay niyang aktor kaya nagdurugo ang puso ko rin for him.

“At tsaka hindi mo rin naman kasi alam kung ano yung journey nung tao, kung bakit siya nagkaganun,” lahad niya.

Kaya hindi raw dapat husgahan si Jiro.

“Opo.

“I’ve heard po parang okay naman siya ngayon.”

MESSAGE FOR JIRO. Kung makakausap niya si Jiro, ano ang mensahe niya para dito bilang kaibigan?

Pahayag ni Isabelle, “Kuya Jiro, nandito kami para sa ‘yo.

“Yung battle mo, hindi madali pero kung kasama mo naman kami.

“Mas mapagtatagumpayan mo naman 'yan, kasi nandito naman kami kasama mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN