Mark Neumann cannot have a girlfriend for now, "Ayaw pa ng tito ko na magka-girlfriend ako."

"Sabi niya kasi, I should focus on my career which is true naman. I have to focus on my work. Saka na lang, kapag I'm established, puwede naman, e," says Mark Neumann who mentioned his uncle-manager Gio Medina as the one telling him not to have a girlfriend yet.


Itinanggi ni Mark Neumann ang napapabalitang relasyon nila ni Angelica Jane Yap na mas kilala bilang si "Pastillas Girl."

Nitong mga makaraang buwan ay pinag-usapan sa social media ang pagiging malapit nila sa isa't isa na nakakaapekto na raw sa career nilang dalawa.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapatid actor sa photo shoot ng bago niyang mobile endorsement na Telego, na ginanap sa A Photogragphy, sa Quezon City, noong Biyernes, May 13, nilinaw niya ang isyung ito.

Bungad ni Mark, "Hindi naman, hindi naman po.

"We were just really good friends.

"Best friends kami."

Pero hindi nga nawala ang romantic angle sa kanila lalo na't ang sweet nila sa Instagram posts ni Angelica.

Aniya, "Well, I guess hindi maiwasan yun.

"Kasi, when you see na dalawang magkasama, parang you say na, 'O, lagi silang magkasama, baka may something, 'di ba?

"Bago naman kasi siya naging Pastillas Girl, good friends na kami dahil sa isang Ati-Atihan [Festival] na dinala ko siya dun.

"Pero, nothing naman, we're really close."

NO TO GIRLFRIEND YET. Sa tingin ba niya, potential girlfriend ito?

Saad ng actor-model, "Kasi, sa totoo lang, ayaw pa ng tito ko na magka-girlfriend ako.

"Sabi niya kasi, I should focus on my career which is true naman.

"I have to focus on my work.

"Saka na lang, kapag I'm established, puwede naman, e.

"Then, we'll see."

Ang tito na tinuran niya ay ang tumatayong manager din niyang si Gio Medina ng Artista Salon.

Kung dumating ang pagkakataon na yun, si Angelica pa rin ba ang pipillin niya?

Napangiting tugon niya, "Tingnan natin.

"Mahirap kasi magsalita.

"All I know, right now, we're good friends, at focus muna kami sa career."

Maging ang tsismis na hinabul-habol niya ito ay itinanggi rin niya.

Ani Mark, "Hindi naman po.

"Wala naman pong nangyaring ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FOCUSED ON CAREER. Kaya ngayon, talaga raw sa career siya naka-focus lalo na't dalawa niyang movie ang ipapalabas sa taong ito.

Saad niya, "I have to movies na coming out- yung Miracles Are Forever, at yung commercialized indie movie namin, yung Ang Taba Ko Kasi.

"Katatapos pa rin ng Tasya Fantasya, then may tini-tape kami ni Shy [Carlos] na para sa Wattpad naman.

"So, I'm happy na marami akong work and yun ang importante.

"Next year, tapos na ang contract ko sa TV5, at bahala na ang manager ko kung ano ang plans niya para sa career ko.

"Siya naman ang nakakaalam kung ano ang mabuti sa career ko."

NETWORK TRANSFER? Pagkatapos ba ng kanyang kontrata sa Kapatid network, plano na rin niyang lumipat sa ABS-CBN katulad ng dati niyang kasamahang si Ritz Azul?

Aniya, "Well, I've been receiving naman a lot of work from TV5, one after the other, so whatever the futute holds for me, kung ano ang desisyon ng aking manager, I'll go for it.

"If he lets me stay, or parang ilipat ako sa ibang network, whatever is good for my work, okey lang ako.

"Kay Ritz naman,I'm wishing her good luck kasi, 'di ba, she's one of my friends?

"I think she's good sa ABS-CBN. So, good for her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN