Tax court orders arrest of Direk Carlo J. Caparas

Ipinapaaresto ng Court of Tax Appeals si Carlo J. Caparas dahil sa pagkabigo raw nitong magbayad ng kanyang income tax returns noong taong 2008 at 2009.


Ipinapaaresto ng Court of Tax Appeals (CTA) ngayong araw ng Martes, May 17, ang batikang manunulat/direktor/prodyuser na si Carlo J. Caparas dahil sa dalawang kaso nito ng tax evasion.

Nabigo raw magbayad ng income tax ang direktor noong 2008 at 2009.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, nakitaan daw ng CTA na may sapat na batayan ang mga ebidensiyang inihain laban sa kay Direk Carlo J.

Nakasaad sa resolusyon ng CTA Second Divison na, “After personally examining and evaluating the Information, the documents attached thereto and the records of preliminary investigation, the Court finds probable cause for the issuance of a warrant of arrest against the accused.”

Pirmado ang dalawang warrant of arrest ni Caparas nina Associate Justices Juanito C. Castañeda Jr., Caesar A. Casanova, at Amelia R. Cotangco-Manalastas.

Nagtakda naman ang korte ng piyansang P20,000 sa bawat isang kaso na isinampa ng Department of Justice laban kay Direk Carlo J.

Bukod pa rito, may iba pa siyang kaso ng tax evasion sa iba pang division ng CTA kaugnay naman sa hindi nito pagbabayad ng value added tax, na nagkakahalaga na ng P101.819 million, mula taong 2006 hanggang 2009.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN