Jinggoy Estrada: "Duterte is God given from heaven dito sa Pilipinas para matigil na ang kaguluhan."

Jinggoy Estrada's last term as senator will finish on June 30, 2016.


Nagdesisyon si Senator Jinggoy Estrada na ipalabas sa mga sinehan sa June 1, ang Tatay Kong Sexy dahil ayaw niyang matagalan pa ang playdate ng pelikula nila ni Maja Salvador.

Ang Tatay Kong Sexy ay pre-Father’s Day presentation ni Senator Jinggoy, na magdadalawang taon nang nakakulong sa PNP Custodial Center sa June 23, 2016.

Ginawa at natapos ni Senator Jinggoy ang shooting ng Tatay Kong Sexy noong hindi pa siya nakakulong.

Matatandaang nadawit ang kanyang pangalan sa Priority Development Assistance Fund scam ng businesswoman na si Janet Napoles.

Ang  PDAF scam whistle-blower na si Benhur Lu ang nagbunyag na diumano ay "sexy" ang code name ni Napoles kay Senator Jinggoy.

Kaya nung pinalitan ang original title ng pelikula, idea raw ng senador na gamitin ang "sexy."

Hindi niya alam kung kailan siya makakalabas mula sa PNP Custodial Center, kaya nagpasya si Senator Jinggoy na i-release na sa mga sinehan ang pelikula.

"Lalong tatagal. Ang tagal na..." ani Senator Jinggoy tungkol sa first movie team-up nila ni Maja.

Dugtong niya, "Hindi ko nga alam kung kailan ako makakalabas."

DIGONG. Mga checkered polo shirt ang suot ni Senator Jinggoy sa mga eksena niya sa Tatay Kong Sexy, at nagkataon lamang daw na checkered polo shirts din ang paborito ni presumptive President Rodrigo Duterte, na tinatawag ding "Tatay" ng kanyang mga supporter.

Ang kuwento ni Jinggoy, "He [Duterte] visited us last year, late last year. Noong nagdi-dilly-dally pa siyang tumakbo sa pagka-pangulo.

"I have high hopes…

"I’ve been telling people, time and again, this country should be led by an iron fist president, noon pa, wala pa si Duterte.

"Kailangan kamay na bakal kasi we lack discipline, tumataas ang kriminalidad natin, ang  crime rate natin.

"To put a stop, I think , si Duterte is God given from heaven dito sa Pilipinas para matigil na ang kaguluhan natin dito,” ang sabi ni Senator Jinggoy na matatapos sa June 30 ang huling term bilang senador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN