Nagluluksa ngayon ang aktor na si Cesar Montano dahil sa pagpanaw ng kanyang ina na si Mrs. Emma Manhilot.
Sumakabilang-buhay sa edad na 86 si Mrs. Manhilot bandang ala-una ng hapon nitong Martes, May 17, dahil sa kumplikasyon sa diabetes.
Nasa tabi si Cesar ng kanyang ina nang bawian ito ng buhay. Namatay si Mrs. Manhilot habang kinakantahan siya ng aktor at ng ibang mga anak niya.
Matagal nang may karamdaman si Mrs. Manhilot at desisyon ni Cesar na manirahan at alagaan ang kanyang ina sa bahay niya sa Quezon City.
Nakaburol ang mga labi ni Mrs. Manhilot sa Funeraria Paz sa Araneta Avenue, Quezon City.
Nakatakda ang libing niya sa Linggo, May 22.