Piolo Pascual still wants Toni Gonzaga as leading lady in Written In Our Stars

Piolo Pascual on why he still wants Toni Gonzaga as leading lady in Written In Our Stars: "We were shooting for almost half a year already. So, parang nakakasa na ako sa hitsura ni Tin na asawa ko, may anak kami. Kapag iniba yun, kapag inulit pa… bukod sa magastos."


“Blessing in disguise” para kay Piolo Pascual ang hindi pagkakatuloy o pagkaka-shelve ng teleseryeng Written In Our Stars, kung saan makakasama niya sana sina Toni Gonzaga, Sam Milby, at Jolina Magdangal.

Hindi natuloy ang proyekto dahil sa pagdadalantao ni Toni.

Pahayag ni Piolo, “Blessing in disguise that Tin [Toni] got pregnant.

“You know, for me kasi, I’ve done dozen soaps, I’ve done twelve soaps in the span of my eighteen years in this business.

“So, parang gusto ko muna sanang mag-focus sa movie.

“And I’m very much part of ASAP.”

Pero ano na ba ang status ng Written In Our Stars? Matutuloy pa rin ba ito kapag nanganak na si Toni?

Ayon sa Kapamilya actor, “Well, sabi ni Tin, she’ll be ready to tape in January [2017].

“Pero sabi ko sa kanya, ‘Pahinga ka muna.’

“She needs time para sa family niya, para sa bata.”

LAST TO KNOW. Sabi pa ni Piolo, isa siya sa mga huling nakaalam ng totoong kundisyon ni Toni.

“I was the last to know, she was very embarrassed. Three months na yata siya.

“At kahit alam ko na, I wanted that to come from her.

“So, hinintay kong sabihin sa akin. 

“Sinabi niya sa akin bago niya in-announce sa ASAP.

“So, yun, alam ko naman, but I wanted it to come from her para mas alam ko where to position myself.

“And like I’ve said, it’s a blessing that, at least, I can do other things, like movie.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Piolo sa presscon ng bago niyang pelikula, ang Love Me Tomorrow, sa La Reve restaurant, Sgt. Esguerra, Quezon City, noong Lunes, May 16.

NOT DISAPPOINTED. Kung tutuusin ay marami na silang mga eksenang nakunan.

Hindi ba na-disappoint si Piolo sa nangyari?

Tugon niya, “No, they asked me. They wanted to replace her [Toni].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But for me, nakakasa na kami. Two weeks na yung nagawa namin.

“We were shooting for almost half a year already.

“So, parang nakakasa na ako sa hitsura ni Tin na asawa ko, may anak kami.

“Kapag iniba yun, kapag inulit pa… bukod sa magastos.”

Hindi ba parang mababantilawan na yung proyekto kung sa isang taon pa ito itutuloy?

Ayon kay Piolo, “Well, we’ll only know when we’re there. 

“You know, I’ll only find out when we’re there.”

Si Toni pa rin ang gusto niyang makasama sa naturang teleserye?

“Yeah,” mabilis na sagot ni Piolo.

“Because we’ve never done a soap together and we’ve always wanted to work in TV. 

ASAP lang, e. Gusto ko rin sana sa movie. 

“Si Bea [Alonzo], hindi ko pa rin nakakatrabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN