Piolo Pascual reveals apprehension about new maximum working hours for movie and TV workers

Piolo Pascual on DOLE's advisory that the working hours for movie and TV workers should not exceed 12 hours: "Everyone has to work together para mapa-implement natin at, siyempre, para everybody happy rin. Automatic 'yan, pag napag-implement mo 'yan, mababawasan ang talent fee ng mga tao. Mababawasan ang talent fee ng mga artista, production. Everyone else will be affected by it. May cause and effect din yun."


Bilang isang aktor at film producer, nagbigay ng kanyang pahayag si Piolo Pascual tungkol sa itinakdang maximum working hours ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga nagtatrabaho sa movie and television industry.

Ayon sa DOLE, hindi dapat lumagpas sa walong oras ang pagtatrabaho ng mga artista at mga nasa produksiyom.

Pero kung talagang kinakailangang magtrabaho ng higit sa walong oras, hindi ito dapat lumagpas sa 12 oras.

Pahayag ni Piolo tungkol sa advisory na ito ng DOLE, “I’m also a producer so medyo nakakatakot. Nakakatakot sa gastos.

“Ano ‘yan, e, siguro the important thing there, yeah, you regulate the working hours, but you also do a lot of pre-prod to avoid delays, to avoid more gastos.

“There’s a way to it, pero siguro nga mas maganda na less working hours para mas may magawa pa tayo sa buhay natin.

“Kasi, basically, nakagawian na natin.

“Before nga, more than 24 hours pa.

“Pero now, nasa 18 hours na. Pinapababa nila ng 8 to 12.

“I think, reasonable na yung 12 hours. Huwag namang 8.

“Bilang producer, talung-talo ka dun.”

CUT-OFF TIME. Sila raw ng co-star niya sa Love Me Tomorrow na si Dawn Zulueta ay may cut-off din sa oras.

Pero kapag kailangan, napapakiusapan naman daw sila.

Saad niya, “Kami ni Ms. Dawn, pareho kaming may cut-off.

“Pero last night, pinakiusapan kami.

“May bayad sa set, may bayad sa location. Hindi na namin puwedeng ulitin.

“You know, things like that, kailangan mong i-bend dahil nga hindi matatapos ang pelikula.

“Natapos kami, almost 4 A.M.

“Sa soap, mas mahirap. Kapag hand to mouth ka na, wala kang ipapalabas.

“So, compromise.”

WORKING TOGETHER. Dagdag ni Piolo, “It will take some time bago fully ma-implement yung ganung regulation.

“Pero kailangan talaga, everyone has to work together para mapa-implement natin at, siyempre, para everybody happy rin.

“Automatic ‘yan, pag napag-implement mo ‘yan, mababawasan ang talent fee ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mababawasan ang talent fee ng mga artista, production.

“Everyone else will be affected by it. May cause and effect din yun.

“Ako, I’m okay with 18 [hours], I’m okay with 16.

“Pero siyempre, may mga bagay na kailangan nating ayusin.

“Ang point naman kasi, baka puwedeng ayusin ang system, yung pre-prod and location.

“ABS is doing… expediting the sound stage in Bulacan.

“Kapag nakapag-sound stage na tayo, it would be so much better, environment wise, work wise.

“Baklas alone, it takes three hours just to transfer to next location.

“Kaya nga yung mga ganung bagay, puwedeng magawan ng paraan kung naayos nang maayos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN