Denise Laurel postpones wedding with Sol Mercado

Denise Laurel on postponing her wedding with PBA player Sol Mercado: "Ang hirap kasi if you have to invite one, you have to invite all, siyempre. So, kailangan muna ipon-ipon. At saka iniisip ko din hindi lang kasi yung kasal, kundi yung buhay pagkatapos ng kasal. Kailangang pag-ipunan, ganyan, siya rin nag-iipon."


Nagpaliwanag ang Kapamilya actress na si Denise Laurel kung bakit made-delay ang plano nilang pagpapakasal ng fiancé niyang basketball player na si Solomon “Sol” Mercado.

Sa mga naunang interviews kasi kay Denise ay nasabi niyang ngayong 2016 sana nila balak magpakasal.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang hirap kasi if you have to invite one, you have to invite all, siyempre.

“So, kailangan muna ipon-ipon.

“At saka iniisip ko din hindi lang kasi yung kasal, kundi yung buhay pagkatapos ng kasal.

“Kailangang pag-ipunan, ganyan, siya rin nag-iipon.

“At saka yung pamilya niya nasa States, so kailangan lahat sila lilipad papunta rito, or lahat kami yung lilipad doon.”

Ayaw ba nilang subukan ang ginagawa ng iba na livestream wedding para sa mga may kapamilya at kamag-anak na nasa abroad?

Sagot ni Denise, “Ay, ayaw, ayoko.

“No offense to those who do that, but for me, yung presence, yung sincerity, and everybody being present means a lot to me.”

Nahihirapan daw silang mag-set ng date ng kasal dahil sa schedule niya bilang artista, gayundin sa schedule ni Sol bilang PBA player.

“Ang hirap kasi ng schedule ko, at saka schedule ng PBA medyo magulo.

“Hindi pala nakukuha yung schedule ng buong taon, per conference lang pala.”

Kung hindi ngayong 2016, kailan na nila balak magpakasal?

“Siguro next year, maybe.

“Ang hirap e, kasi yung PBA tapos may Gilas pa, so nadi-disrupt yung schedule.

“Siyempre we want all our friends to be there.

“E, our friends are part of Gilas also, so mahirap.”

Si Mercado ay naglalaro para sa koponan ng Barangay Ginebra sa PBA.

HER SON ALEJANDRO. Maging ang anak ni Denise na si Alejandro ay excited na raw sa wedding.

“Excited siya. Tinatanong niya nga ako, ‘When are we getting married?’ May ‘we’ talaga.”

Ano ang magiging participation ni Alejandro sa wedding?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Denise, “Siyempre nandoon siya sa gitna dahil nga ‘we,’ so kaming tatlo yung ikakasal.”

Magiging ring bearer ba ang anak niya?

“For sure, at saka katabi namin siya. It wouldn’t be a wedding without him.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN