Sheena Halili admits to feeling the pressure of being single

Sheena Halili on why she has yet to find Mr. Right: "Kailangan talaga ibaba na natin ang kinalakhan kong standards. May hinahanap kasi ako na kung anong personality. Kapag wala yun, parang ayoko na. Choosy nga ako, e. Pero siguro kailangan ibahin ko na kasi baka raw wala talaga akong matagpuang lalaki!"


Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ni Sheena Halili ang kanyang Mr. Right.

Biro nga ng Kapuso actress, baka ang co-star niya sa upcoming GMA-7 comedy show Laff, Camera, Action! na si Betong Sumaya ang lalaking hinahanap niya.

“Who knows at baka destiny itong BetSheen!” tawa niya.

“Malay natin, magkaroon ng spark!

“Kaya minsan inaalis ko na yung pagtawag ko sa kanya ng kuya. Betong na lang minsan para hindi siya mailang sa akin.

“Hindi naman natin alam ang mga magaganap, di ba? Kung may spark, why not?

“At least, alam kong mapapatawa ako ni Betong parati!”

Pero sa seryosong usapan, ang pagiging choosy raw masyado ni Sheena ang dahilan kung bakit wala pa siyang mahanap na Mr. Right.

Saad ng 29-year-old actress, “Kailangan talaga ibaba na natin ang kinalakhan kong standards.

“May hinahanap kasi ako na kung anong personality. Kapag wala yun, parang ayoko na.

“Choosy nga ako, e. Pero siguro kailangan ibahin ko na kasi baka raw wala talaga akong matagpuang lalaki!”    

FEELING THE PRESSURE. Hindi naman daw siya minamadaling mag-asawa ng kanyang magulang, pero naunahan na raw kasi siya ng dalawa niyang nakababatang kapatid na mag-asawa.

“Naku, ako pa naman ang panganay. Inunahan nila ako!

“Kaya ako ang nape-pressure. Ako ang napapraning dahil nag-asawa na nga ang dalawa kong kapatid, tapos ako hindi pa.

“Feeling ko, gagawin akong tagapag-alaga ng mga pamangkin ko balang-araw!”    

Mayroon naman daw sine-set up sa kanya ang mga kasamahan niya sa church. Pero wala raw siyang panahon pa para makipag-date sa mga ito.

Paliwanag ni Sheena, “Nagkasunud-sunod din ang trabaho ko.

“Bukod sa Poor Señorita, pumasok pa itong Laff, Camera, Action!.

“Kaya walang time na makipag-date ako ngayon.

“Siguro nga hindi pa natatakdang makilala ko ang magiging boyfriend ko.

“Kaya try ko muna kay Betong at baka magkatotoo ang BetSheen tandem namin!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN