Kathryn and Julia's Goin' Bulilit batchmate Katrina Legaspi hopes to advance showbiz career

Katrina Legaspi graduates this month with a degree in Communication Arts, but her heart and mind remain in showbiz, "Sana after that, mapupursige ko na po na mag-focus sa career ko… hopefully, mabigyan naman ako ng chance."


Umaasa si Katrina Legaspi na mabibigyan siya ng pagkakataon maipakita ang kakayahan niya bilang aktres.

Ten years old si Katrina nang makasama siya sa Goin’ Bulilit kasabay sina Kathryn Bernardo at Julia Montes 11 years ago.

“Kung nandoon na sila Julia, Kathryn, feeling ko kung narating na nila iyon, dapat ako naman yung next.

“Next in line man lang po,” saad ni Trina (nickname ni Katrina na kilala rin noon bilang Hopia).

Dagdag pa niya, “Ga-graduate na po ako ng college.

“Sana after that, mapupursige ko na po na mag-focus sa career ko.

“And, hopefully, mabigyan naman ako ng chance.”

Sa darating na May 28 ga-graduate si Katrina sa Miriam College sa kursong Communication Arts.

Komento niya, “Malaki po siyang achievement.

“Pero yung ibang artista, hindi ko masisi dahil wala silang time, e.

“Ako kasi nabigyan ng time and nagdesisyon akong tapusin, habang hindi sobrang hectic ng schedule ko sa showbiz.

“Kasi habang nag-aaral ako ay tumatanggap pa rin ako ng mga work, paunti-unti, movies or guestings.

“Kumbaga, pinagsasabay ko pa rin yung pag-aaral at trabaho.”

Ano ang feeling na ga-graduate na siya next Saturday?

“Sobrang saya, ang laking luwag, para akong nanganak, ganoon iyong feelings,” natatawang saad niya.

Sabi pa ni Trina, “Sobrang sarap sa pakiramdam, tapos na ako at wala nang iintindihin.

“Tapos na ako sa phase na iyon, kaya makakapag-focus na ako sa showbiz.”

Kung bibigyan ng chance, sinong aktor ang gusto niyang makatrabaho sa ABS-CBN?

“Sina John Lloyd [Cruz] at Papa P [Piolo Pascual].

“Si Lloydie, kasi sobrang galing niyang artista, humahanga talaga ako.

“Gusto ko siyang maka-work kasi parang marami rin akong matutunan sa kanya.

“Kahit anong role kaya niyang gawin, icon na siya, e, at lahat ng pelikula niya hit.

“Si Piolo, bukod sa guwapo, parang lahat dream maging leading man siya o makatrabaho siya.

“Parang hindi tumatanda si Papa P, parang vampire, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Heartthrob talaga yun, all-time heartthrob,” masayang wika pa niya.

TRANSFER MODE? Sakaling may offer ang GMA-7, tatanggapin ba niya?

“Kung sakaling may offer, willing po talaga ako na ano… kasi wala naman po akong contract, e.

“Kung ano pong may mas magandang offer, yun naman po palagi.

“Kung ano ang mas ikagaganda ng career ko.”

Sinabi rin ni Trina kung sino sa mga Kapuso aktor ang gusto niyang makatrabaho.

“Si Dennis Trillo po kasi magaling siya.

“And si Alden Richards, guwapo at sikat na sikat siya ngayon, e.”

Pero, hindi ba siya mag-aalalang ma-bash kung lilipat siya sa Siyete?

“Feeling ko maiintindihan naman nila kasi po ang tagal ko na ding nag-antay ng magandang break.

“Sana by this year, magkaroon ng magandang break para sa akin.

“Para mai-showcase naman yung talent ko, eto talaga ang gusto ko, ang umarte.

“Para maipakita ko sa mas malaking audience yung talent ko at mailabas.

“Hindi lang sa pag-arte, pati sa pagkanta.

“Para mai-push po, ‘tsaka ma-enhance pa yung talent ko.

“I think huwag ka lang mag-burn ng bridges.

“Kailangan mo lang magpa-alam sa Star Magic na gusto mong lumipat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN