Edgar Allan Guzman bonds with GF Shaira Mae in Boracay; keeps details private

Sinulit daw ng Kapamilya actor na si Edgar Allan Guzman ang tatlong araw na wala siyang trabaho kaya nagbakasyon siya sa Boracay. Kahit kasama niya ang girlfriend na si Shaira Mae, umiwas naman siyang magkuwento tungkol dito.


Nakapagbakasyon si Edgar Allan Guzman ng tatlong araw sa Boracay nitong nakaraang weekend kasama ang girlfriend na si Shaira Mae.

Nakatakda dapat ang presscon ng pinagbibidahang pelikula ng aktor, ang Pare, Mahal Mo Raw Ako, nitong nakaraang Lunes, May 16, ngunit nasa Boracay pa siya kaya hindi na muna ito itinuloy.

Pahayag ni EA, “Kaya nga nagso-sorry nga ako, kasi yung trip na yun, yun lang yung time na bakasyon ko.

“Nakita ko na walang taping sa Doble Kara so nagkaroon ako ng chance [na magbakasyon].

“Kasi lahat naman mga raket, bakasyon na out of the country, out of town, puro naman may trabaho yun.

“Ito lang yung time na makapag-isip-isip, kung ano pang puwedeng gawin sa career.

“Kumbaga, para rin sa career. Kumbaga, hindi lang naman dun para makipaglampungan.

“Kumbaga, siyempre mahal ko yung career ko, kaya kailangan din nating huminga minsan para mag-isip kung ano pa yung puwede kong ilabas at ibigay sa mga tao.”

Love at first sight! ???

A photo posted by Shaira Mae (@shairamae_) on

Pero umiwas si Edgar na magbigay pa ng ibang detalye sa bonding moments nila ng nobya.

Nauna na nilang sinabi noon sa magkahiwalay na interviews na gusto nilang maging tahimik na lang ang kanilang relasyon.

FROM TV5 TO ABS-CBN. Tinanong din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edgar kung ano ang pakiramdam niya na ilan sa mga kasamahan niya noon sa TV5 ay nasa ABS-CBN na rin ngayon.

Ilan sa kanila ay sina Alex Gonzaga, Arci Muñoz, JC de Vera, Ritz Azul, at Vin Abrenica.

Tugon niya, “Masaya po. Masaya and nakaka-proud kasi nagsimula kami dun, nagsama-sama kami dun.

“Kumbaga, nagkaroon din naman ng friendship dun.

“So, nakaka-proud lang na dati doon kami [sa TV], ngayon dito pa rin kami nagkita-kita.

“And sana, hopefully, makakatrabaho ko yung mga dati kong kasama sa TV5.

“Si Ritz, alam ko makakatrabaho ko siya.”

Nakausap ng PEP si Edgar sa presscon ng Pare, Mahal Mo Raw Ako kahapon, May 19, sa Dong Juan restaurant sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REUNION PROJECT WITH ATE GUY. Samantala, ang Pare, Mahal Mo Raw Ako ay hango sa sikat na awitin ni Michael Pangilinan na may kapareho ring titulo.

Bida rin si Michael sa pelikula kung saan ang composer ng kanta na si Joven Tan ang siya ring direktor ng pelikula.

Bukod kina Edgar at Michael, makakasama rin nila dito sina Joross Gamboa, Matt Evans, Ana Capri, Katrina Legaspi, Nikko Seagal, Miggy Campbell, at ang Superstar na si Nora Aunor.

Hindi ito ang unang pagkakataong nakasama ni Edgar at ang Superstar dahil ilang proyekto na rin noon sa Kapatid Network ang pinagsamahan nila.

Saad ng aktor, “Ako siyempre, excited ako, lalo na nung nalaman ko na nanay ko pa siya ulit.

“Kumbaga, pang-ilang beses ko na siyang naging nanay.

“Excited ako, na-excite akong makatrabaho ko siya ulit.

“For the longest time, siguro one year, na hindi ko siya nakatrabaho; ngayon lang ulit dito sa pelikula.

"Na-excite ako nung nalaman kong siya yung magiging nanay ko.

“At yung role pa niya kakaiba at yung role ko kakaiba. Hindi yung usual na mag-ina.”

Gagampanan ni Edgar ang role ni Mark, na mai-in love sa kanyang kababatang si Red (Michael).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN