Eugene Domingo says romantic tryst with special friend not part of Europe trip

Eugene Domingo denies that she'll be meeting a foreigner guy when she flies to Europe for a vacation: "Wala akong kakatagpuin doon. Yung sinasabi kong special friend, hanggang gano'n lang siya."


Nakatakdang lumipad patungong Europe si Eugene Domingo para sa kanyang ten-day vacation.

Sa United Kingdom at Italy raw ang tungo niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Uge sa set ng Dear Uge last May 20, sa Masambong, Quezon City.

Naintriga si Uge nang biruin namin siyang baka kakatagpuin niya sa Europe ang nababalitang special friend niyang isang foreigner.

Natatawa niyang pahayag, “Yun talaga ang pakay ko?

“Makipagtagpo sa lalake? At sa Europe pa talaga?"

Pero pinabulaanan niya na magkikita sila ng kanyang special friend.

“Naku hindi naman. Unang-una, ang kasama ko ay ang kaibigan ko.

“Wala akong kakatagpuin doon.

“Yung sinasabi kong special friend, hanggang gano’n lang siya.

“Walang kinalaman ang pagpunta ko sa London at Italy sa kanya.

“Puwede naman siguro akong magbakasyon na walang kakatagpuin, di ba?

“'Tsaka ten days lang yun. Ratsada sa pamamasyal iyon.

“Kaya it’s a time for myself and my friend. Walang kung anong secret meeting ito sa kung kanino.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN