LOOK: Zanjoe Marudo reunites with ex-GF Bea Alonzo at a birthday party

Despite their breakup earlier this year, Zanjoe Marudo is proud of the fact that he remains on good terms with former GF Bea Alonzo: "Masasabi kong okay naman kami. Kapag nagte-text kami, normal naman. Siguro masasabi ko na kami yung kapag magkikita sa isang lugar, hindi kami mag-iiwasan."


Tila patuloy pa rin ang magandang samahan sa pagitan ng ABS-CBN stars at dating magkasintahan na sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo.

Muling namataan ang dalawa na magkasama sa birthday party ng Chief Operating Officer for Broadcast ng ABS-CBN na si Cory Vidanes.

Naganap ang simpleng birthday party ng lady executive sa 9501 Restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Isang litrato ang ibinahagi ng AdProm Manager ng ABS-CBN na si Eric John Salut sa kanyang Instagram account kunsaan makikita si Zanjoe na naka-akbay pa sa kanyang dating kasintahan.

Nitong January, inamin ni Zanjoe na wala na sila ni Bea sa kanyang panayam sa Tonight With Boy Abunda.

Dalawang buwan matapos ng kanyang pag-amin, nakita ang dalawa na magkasama sa isang get-together ng mga artistang hawak ng Star Magic manager na si Monch Novales noong March 6.

Bea and Zanjoe #DrinkyWinkyCVV

A photo posted by EJS (@ericjohnsalut) on

ON GOOD TERMS. Inamin ni Zanjoe sa kanyang panayam kay MJ Felipe para sa ABS-CBN News na madalas pa rin silang nagkakausap ni Bea sa pamamagitan ng text.

Aniya, "Masasabi kong okay naman kami.

"Kapag nagte-text kami, normal naman.

"Siguro masasabi ko na kami yung kapag magkikita sa isang lugar, hindi kami mag-iiwasan.

"Hindi kami matatakot na, ‘Baka nandoon siya.’ Okay kami.
"Kumbaga, anytime magkita kami, magkasalubong kami, wala kaming problema."
POSSIBLE RECONCILIATION? Sa isang bahagi ng panayam, tinanong din kung may pag-asa bang magkabalikan ang dalawa. Hindi naman nagbigay ng diretsong sagot si Zanjoe tungkol dito.

Pahayag nito, "Sa ngayon, ewan ko. Hindi natin masasabi.

"Ang importante naman hindi kami magkaaway. Maraming puwedeng mangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Nang tanungin naman kung naka-move on na siya mula sa kanilang break-up, sagot ni Zanjoe, "Hindi ko alam.
"Paano ba malalaman kung naka-move on?
"Pero happy ako ngayon kung anong nangyayari sa akin.
"Happy ako ngayon sa buhay ko. Iyon ang importante doon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN