Kris Aquino seeks legal probe into skincare company's fraudulent endorsement claims

Kris Aquino and her lawyers are already studying their legal options against a skincare company using her name to endorse its products without her permission: "I have already forwarded to my lawyer & Boy Abunda's office this article using me to promote products I've never tried, and never even heard of AND disparaging what was a very good relationship w/ OLAY & its parent company P&G"


Pinag-aaralan ngayon ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang kanyang legal options laban sa isang skin care company na gumagamit ng kanyang pangalan upang i-promote ang kanilang mga produkto.

Ibinahagi sa kanya ng talent at events manager na si Girlie Rodis ang link mula sa isang artikulo na nagsasabing dalawang skin care products ang ineendorso ni Kris.

Agad naman itong itinanggi ng Kapamilya star sa kanyang Instagram at sinabing hindi nito alam ang produkto at hindi pa niya nasusubukan ang mga ito.

Bahagi ng pahayag ni Kris sa kanyang Instagram, "@showbizmanila sent me this link to warn me about the LIES being peddled by this company using my name.
"I have already forwarded to my lawyer & Boy Abunda's office this article using me to promote products I've never tried, and never even heard of AND disparaging what was a very good relationship w/ OLAY & its parent company P&G (I have endorsed Pantene, Pampers, Safeguard, Downy, OLAY, Oral B, and currently I still endorse Ariel with 2 more TVCs shot & waiting for airing)
Sa huli, nag-iwan ng mensahe si Kris sa kumpanyang gumamit ng kanyang pangalan.
Aniya, "It has been more than 11 fruitful years w/ them, and SANA naman itong cream & ingestible medicine na 'to gumawa ng pangalan dahil magaling at maganda ang produkto nila at hindi galing sa pag imbento ng kwento. #Kalurx"

Kasunod nito, nag-post ng litrato si Kris ng mga produktong kasalukuyang ginagamit niya at bitbit sa kanyang bakasyon sa Aulani, Hawaii.

Ang caption ni Kris: "I took a picture of what's in my bathroom countertop.

"It's after 11 PM here in Hawaii, so obviously these are really products I use- mahirap magpanggap especially pag hindi walking distance ang shopping mall. FYI SKII is owned by P&G.

"The other skin care products are from my dermatologist Dra. Javellana. ??? GOOD NIGHT na & happy weekend. ???"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nitong nakaraang March, inanunsiyo ni Kris na pansamantala siyang aalis sa showbiz.

Kasunod nito, ibinahagi ni Kris ang planong magbakasyon siya, kasama ang mga anak niyang sina Josh at Bimby, sa iba't ibang destinasyon. Isa na nga rito ang Hawaii.

Kris Aquino on showbiz hiatus: 'Lungkot na lungkot din po ako.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN