(UPDATED) Investigations ongoing after five confirmed deaths at Forever Summer concert

Investigations are now ongoing as to the cause of the five confirmed deaths from the Close Up Forever Summer event held last Saturday night, May 21, at SM Mall of Asia Concert Grounds in Pasay City. Laced drinks spiked with "Green Amore" have been tagged as one of the probable causes of death.


Lima na ang kumpirmadong nasawi at isa naman ang nasa kritikal na kondisyon matapos ang Close Up Forever Summer 2016 music fest kagabi, Sabado, May 21.

Apat ang naunang nasawi sa concert, ayon sa ulat ni James Agustin para sa GMA News.

Ngunit sumakabilang buhay na rin ngayong Linggo ng gabi ang isa pang lalaking nawalan din ng malay sa concert.

Sa dagdag na ulat ng GMA News, kinilala na rin ang mga biktima na kinabibilangan nina Bianca Fontejon, 18; Ariel Leal, 22; Lance Garcia, 36; at ang American national na si Eric Anthony Miller, 33.

Ang ikalimang biktma na unang napabalitang nasa kritikal na kundisyon ay si Ken Migawa, 18.

Sa Manila Doctors Hospital binawian ng buhay sina Bianca at Eric, habang sa San Juan de Dios Hospital naman pumanaw sina Ken, Ariel, at Lance.

Ang toothpaste brand na CloseUp, katulong ang Activations Advertising at Eventscape, ang nag-organisa ng ikatlo at huling edition ng nasabing music fest na ginanap sa SM Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City.

Sa ngayon, hindi pa malinaw ang dahilan ng pagkamatay ng apat, ngunit kasalukuyan nang ginagawa ang imbestigasyon tungkol dito.

Ang Kapamilya stars na sina Nadine Lustre at James Reid ang kinuhang celebrity endorsers ng music festival ngunit hindi nakarating ang dalawa.

Sa ngayon, wala ring artista na dumalo sa music fest na nadadawit sa isyu.

INITIAL STATEMENT. Agad naman nag-labas ng initial statement ang naturang toothpaste brand tungkol sa trahedyang nangyari.

Nag-paabot din ito ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi at ng tulong medikal sa mga nangangailangan nito.

Narito ang buong statement ng CloseUp:

"Closeup and its organizing agency, Activations Advertising, and staging agency, Eventscape, are deeply saddened by the events that transpired on the early hours of May 22, 2016.

"We regret that despite the very stringent measures and precautions we have put in place to ensure the safety and security of all attendees involved, this incident still transpired. As such, strict protocols were followed to immediately provide medical assistance, as well as rush all those involved to the nearest hospital where they can receive emergency care.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We extend our deepest sympathies to the families of those who’ve passed away, and commit support in their time of bereavement. Likewise, our efforts are now focused on supporting those needing medical assistance so they may fully recover.

"We are fully cooperating with the authorities in the ongoing police investigations."

Statement from Closeup Philippines

A photo posted by Closeup Philippines (@closeupph) on

DRUG OVER DOSE? Agad kumalat sa social media ang ilang hinihinalang sanhi umano ng pagkasawi ng limang biktima.

Isa sa mga itinuturong posibleng dahilan ay ang overdose mula sa isang drug na kung tawagin ay "Green Amore" o kilala rin sa tawag na "Fly High."

Ang nasabing drug ay gawa sa pinaghalong ecstacy at methamphetamine at sinasabing sampung beses ang lakas ng tama nito kumpara sa regular na ecstacy.

Bukod dito, isa pa sa hinihinalang sanhi ay dahil may namigay din daw ng mga free drinks na nilagyan ng nasabing droga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN