Jovit Baldivino's love story with non-showbiz girlfriend goes viral

Shara Chavez to boyfriend Jovit Baldivino: "Sobrang kontento na ako sayo. Di ko na kailangan maghanap pa ng iba kasi binigay mo na ang lahat ng oras, pang unawa at pagmamahal sa akin despite of being a celebrity, sa ganyang estado mo."


Marami ang kinilig sa mala-pelikulang love story ng Pilipinas Got Talent Season 1 winner na si Jovit Baldivino at ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Shara Chavez.

Naging usap-usapan sa social media ang kanilang love story nang maging viral ang open letter na sinulat mismo ni Shara para sa kanyang boyfriend.

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 126,000 likes at 30,000 shares ang liham ni Shara para kay Jovit, kunsaan ibinahagi nito kung paano nagsimula ang kanilang relasyon.

FIRST MEETING. Ayon kay Shara, isa na siyang masugid na tagahanga ni Jovit magmula pa noong 2010, ngunit unang beses niyang nakasalamuha nang personal si Jovit noong 2013.

Kuwento ni Shara kay Jovit, "Nagulat ako nung nakita na kita, mejo awkward lang kasi ang kinis mo naaa, joke haha kasi kasama mo pa ex mo nun tapos kasama ko dn ang ex ko, pero dahil ginusto ko talaga nagpapicture na ako sayo.
"Sobrang saya ko nung time na yun. Nagflashback lahat, mga kalukahan ko nung 1st year college sayo. Pero taken na tayong dalawa nun e but atleast finally nameet din kita."

Bahagi pa ni Shara, muli silang nagkita noong 2015 nang maging celebrity guest si Jovit sa isang talent show habang siya naman ay isa sa mga hurado. Tuluyan na silang naging malapit sa isa't isa mula noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
8 MONTHS AND COUNTING. Sa ngayon, mahigit na walong buwan na ang kanilang relasyon. Dagdag pa ni Shara, palagi pa rin daw silang kinikilig sa tuwing napag-uusapan ang kanilang love story.
Sa pagpapatuloy ng liham nito kay Jovit, sinabi nito, "Awa ng Diyos, 8 months mahigit na din tayo. Ang bilis no! Sa twing magkakakwentuhan tayo napapagusapan natin pano at saan tayo nagsimula, hindi tayo nagsasawang ulit ulitin pag usapan yun. Kilig na kilig pa dn tayo.
"Kahit sinasabi natin na unlimited kasi palagi tayo magfflashback ng love story natin, Nagkakabiruan pa nga tayo n kung isasabuhay sa MMK ano kaya magiging title. Kung sakali na may mabago sa mga nangyari kahit isa magiging tayo pdn kaya?
"Parang kailan lang...fan mo lang ako, ngayon ikaw ng buhay ko. ???? Yung masasabi mo sa sarili mo na 'One day, it finally came true, the special someone that I love, loved me too' Yieee."
Sa pagtatapos ng kanyang open letter, nagpapasalamat si Shara kay Jovit dahil patuloy itong nananatili sa tabi niya kahit na madalas sila nag-aaway-bati. Ipinahayag din ni Shara ang kanyang pagmamahal para sa kanyang boyfriend.
Sulat ni Shara, "Sobrang dami na natin napagdaanan. Away bati man, tipong maghihiwalay na lagi pero d lumalagpas sa dalwang araw okay na ulit, kahit ako yung may kasalanan ikaw yung magpapakumbaba, at pag ikaw ang may kasalanan walang sawa kang manunuyo sakin, kumbaga may fear pero mas nangibabaw pa din yung love.
"Sobrang kontento na ako sayo. Di ko na kailangan maghanap pa ng iba kasi binigay mo na ang lahat ng oras, pang unawa at pagmamahal sa akin despite of being a celebrity, sa ganyang estado mo.
"Hindi kana nga nag Manila simula ng nging tayo, kahit may show ka kinabukasan nagagawa mong mag uwian. Hanga ako sayo.
"Ang tatag mo! Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita simula noon pa. Ooops sa post kong to wag lalaki ang ulo ha, tangos na tangos kana namn sa ilong mo nyan uy! Hahaha de joke lang.
"I love youuuu Babbah, my forever Idol, my forever love."
(Photos: Screengrab from Facebook)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN