Andi Eigenmann calls mom Jaclyn Jose "Filipino pride" for winning Cannes Best Actress

Andi Eigenmann is beaming with pride after her mom Jaclyn Jose was named Best Actress at the 69th Cannes Film Festival.


Proud na proud si Andi Eigenmann sa kanyang ina na si Jaclyn Jose dahil sa pagkapanalo ng beteranang aktres bilang Best Actress sa 69th Cannes Film Festival sa France.

Nanalo si Jaclyn para sa pagganap niya sa pelikulang Ma’ Rosa ni Brillante Mendoza.

Kabilang sa mga tinalo ni Jaclyn sa Best Actress category ang Hollywood actresses na sina Kristen Stewart, Marion Cotillard, at Charlize Theron; sina Marion at Charlize ay pareho ring Oscar winners.

Read: Jaclyn Jose wins Best Actress at Cannes for Ma' Rosa

Sa pamamagitan ng social media ay ibinahagi ni Andi ang kanyang saloobin tungkol sa pagwawagi ng ina, na nasaksihan niya mismo dahil magkasama silang um-attend ng Cannes awards night.

Magkasama rin ang dalawa sa Ma' Rosa kung saan gumanap sila bilang mag-ina.

“My very own mother, to be the first ever Filipino to win the best actress award at the Cannes film festival,” naunang tweet ni Andi nitong Linggo, May 22.

Sumunod pang tweet ni Andi: “Filipino pride, Ma' Rosa herself, wins best actress at the Cannes Film Festival! Congratulations to my mom, the Jaclyn Jose!!!”

Sa isang video sa YouTube, kung saan mapapanood si Jaclyn sa kanyang acceptance speech, sinabi nitong nagpunta siya sa Cannes upang maglakad lamang sa red carpet kasama ang anak na si Andi.

“I just went to have a red carpet walk with my daughter, my real-life daughter and my daughter in the movie also…” sabi ng beterang aktres.

Samantala, sa nauna pang Instagram post ni Andi, sinabi niyang ang Ma’ Rosa ang pinaka-memorable film na nagawa niya.

“By far the most memorable film I have done in my life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN