Angelica Panganiban on failed relationship with John Lloyd Cruz: "Lesson learned talaga, huwag sikat."

Angelica Panganiban on still being friends with ex-boyfriend John Lloyd Cruz: "Kasi hindi niyo na na-save ang relationship niyo as a couple, so i-save niyo ang relationship niyo bilang magkaibigan."


Idinaan ni Angelica Panganiban sa biro at tawa ang mga kuwento niya tungkol sa pagmu-move on mula sa breakup nila ni John Lloyd Cruz sa episode ng Gandang Gabi Vice kagabi, May 22.

Sa umpisa, kinumusta ng host na si Vice Ganda si Angelica.

Patawa naman itong sinagot ng aktres ng: “Nowadays, I'm kinda super okay.”

Pero aniya, may mga pagkakataon pa ring naiiyak siya dahil sa nangyari sa relasyon nila ni John Lloyd.

Mga four hours na akong di umiiyak.

Minsan kasi, e... sikat, di ba? Ang daming billboard, kapag nakita ko, maiiyak na naman ako.

“Hanggang ngayon... dito, di ba, walang billboard?

Paglabas ko, makakakita na naman ako ng billboard, ayan na naman tayo, magmu-move on na naman ako.”

Kaya naman daw natuto na si Angelica para sa susunod niyang makakarelasyon.

“Lesson learned talaga, huwag sikat.

Kung gusto mo ng artista, yung laos o kaya yung wala nang direksiyon.

“Yung parang wala nang papel sa mundo, parang tulala lang.”

Biro pa ni Angelica, “Yun na ang hanap ko ngayon, mga lalaking tulala.”

STILL LOOKING GOOD. Sa kabila ng kalungkutang nararamdaman dahil sa paghihiwalay nila ni John Lloyd, napansin naman ni Vice na hindi ito makikita sa hitsura ni Angelica, na aniya'y mas gumaganda pa.

Sagot ni Angelica tungkol dito, “May nabasa kasi ako na parang, 'Huwag mong bigyan ng chance yung mga tao makita kang nasasaktan at nahihirapan habang sila ay nagdiriwang.'”

Tila ito na rin ang sagot ng aktres sa mga basher niya sa Internet.

Aniya, “Kasi, di ba, artista tayo, may mga tao na, 'O, ayan, buti nga sa 'yo.'

“Di ba, ayaw mo namang makita ka nilang ganun?

“Kahit siyempre, deep inside, ay nahihirapan ka.

“Pero yun ang balik ko sa kanila, mas masaya ako sa kanila.”

Dagdag pa ni Vice, “Mas maganda ka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumang-ayon naman si Angelica, “Oo naman, hello, di nga sila ipinapakita sa TV!”

STILL FRIENDS. Sa buong interview, paulit-ulit na sinabi ni Angelica ang pag-iwas sa pagiging bitter sa kinahinatnan ng relasyon nila ni John Lloyd.

Ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit nananatili silang magkaibigan ng aktor.

Paliwanag ni Angelica, na aminadong nakaka-text pa rin paminsan-minsan ang dating boyfriend, “Kasi hindi niyo na na-save ang relationship niyo as a couple, so i-save niyo ang relationship niyo bilang magkaibigan.”

Nagbigay rin siya ng payo sa mga katulad niyang kagagaling lang sa breakup.

Ani Angelica, “Kung babalikan mo, bakit ka magiging bitter kung mas maraming beses ka namang naging masaya dun sa taong yun?

Walang katumbas ang sayang yun sa nangyaring paghihiwalay niyo.

Malungkot lang. Pero lagi niyong iisipin kung bakit naging ganun kasakit—kasi naging ganun ka kasaya.

At yun ang nagma-matter, e, yung pinagsamahan niyo, yung saya, respeto na ibinigay ninyo sa isa't isa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN