Angelica Panganiban still struggling to move on after breakup with John Lloyd Cruz

Limang buwan matapos ang hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz, umamin si Angelica Panganiban na labis siyang nasaktan sa kinahinatnan ng apat na taon nilang relasyon. Dumating daw sa puntong awang-awa na siya sa kanyang sarili dahil sa sakit na nararamdaman: "'Hoy, girl, tama na. Nakakaawa ka na. Down na down na, bangon.'"


Aminado si Angelica Panganiban na hanggang ngayon ay nasa proseso pa rin siya ng pagmu-move on mula sa hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz matapos ang apat na taong relasyon.

Read: John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban called it quits, says source

Sa guest appearance niya sa episode ng Gandang Gabi Vice ng ABS-CBN kagabi, May 22, idinaan na lamang ng Banana Sundae star sa biro at ilang hugot lines ang sakit na nararamdaman.

Bukod sa mga billboard ni John Lloyd na nakikita niya, sinubukan daw ni Angelica noong una na iwasan ang mga lugar na napuntahan nila ng dating boyfriend.

Pero may nakapagsabi sa akin na dapat daw dahan-dahan pupuntahan siya, kasi kung hindi, wala na akong pupuntahan.

Kawawa naman ako. Napakasakit!” sabay tawa ng Kapamilya actress.

Dagdag pa niya, “Muntik na akong lumipat ng network!

Pero sabi ko nga, dahil may respeto ako sa ABS-CBN, sige, hindi na lang ako lilipat, magre-retire na lang ako.”

Isa rin sa tila inadya ng tadhana ang aksidenteng pagkikita nila ng dating nobyo sa Hong Kong noong Holy Week.

Kuwento ni Angelica, “Nagpunta ako ng Hong Kong. Sabi kasi ng mga kaibigan ko na, ‘Halika na, mag-Hong Kong na tayo,’ noong Holy Week.

“Sabi ko, ‘Sige na nga.’ Ayun, nagpunta ako ng Hong Kong, nandun sila.

“Nagkita naman kami kasi nga tina-try talaga namin yung best namin na maging magkaibigan naman kami.”

Kumain lang naman daw sila kasama ang ilang mga kaibigan sa isang restaurant doon.

“BANGON.” Pagkatapos ng aksidente nilang pagkikita sa Hong Kong, nagkita sila ulit ni John Lloyd kasama pa ang ilang kaibigan dito sa Pilipinas.

Get-together lang naman daw ito, ayon pa kay Angelica.

Pero hanggang ngayon ay nagti-text pa rin sila paminsan-minsan para magkamustahan.

Paano siya tuluyang makaka-move on kung patuloy pa rin silang nagti-text sa isa’t isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Angelica, “Hindi naman kami siyempre naglalandian sa text, kumustahan lang.”

Ngayon, masasabi raw niyang friends na sila pero may kirot pa rin sa kanyang puso ang pangyayari.

Dito na naging emosyunal si Angelica.

“Friends. Oo nga, hindi pa ako nakaka-move on.

“Hayaan niyo na. Malapit na. Kaya ko, kaya ko.”

Ayon naman kay Vice, kung pakikinggan daw ay napaka-positive na ng kaibigan.

Pero sabi ni Angelica, “Pabaliw na nga, e.

“Alam mo, seryoso, baka maiyak pa nga ako, e.

“Nakita ko yung sarili ko na para bang nasobrahang down na down.

“Kasi hindi ako nag-open up sa kaibigan ko, sa pamilya ko, ganyan.

“Pero nung nakita ko yung sarili ko na ganun, parang, ‘Hoy, girl, tama na. Nakakaawa ka na. Down na down na, bangon.’ Ganun.”

Dito na tuluyang naiyak si Angelica.

Biniro siya ni Vice sa kanyang pag-iyak na okay na rin daw para sa ratings ng show niya.

Tanong pa ni Vice: “Anong mas mahirap, yung makipaghiwalay dun sa matagal niya nang nakasama o dun sa hindi masyado?”

Sagot ni Angelica, “Nung may nagtanong sa akin, ‘Sa'n ka mas nahirapan, sa'n ka mas maraming iniyak?’

“Sabi ko, ‘Ay, kung iyak yung pag-aano [sukatan], kay Derek [Ramsay] talaga, anim na taon niya akong pinaiyak, e.

“Dito [kay John Lloyd], minsan lang naman niya akong pinaiyak. Ganyan.

“Pag sobrang sakit na talaga.

“Tapos yung four years, masaya kami ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN