Imelda Papin files electoral protest after losing as CamSur representative

Naghain ng electoral protest sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ang singer na si Imelda Papin laban sa kanyang nakalaban para sa pagka-kongresista sa Fourth District ng Camarines Sur na si Noli Fuentebella. Halos pitong daan lang ang lamang ni Fuentebella kay Imelda kaya naman nais ng singer na magkaroon ng manual recount of votes.


Naghain ng reklamo sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ngayong Lunes, May 23, ang Jukebox Queen na si Imelda Papin labankay Noli Fuentebella.

Si Fuentebella ang naging katunggali ni Imelda at iprinoklamang kongresista sa Fourth District ng Camarines Sur.

Dikit ang laban nina Imelda at Fuentebella sa isinagawang eleksyon noong May 9.

Si Fuentebella ng NPC ay nakakuha ng 83,969 boto; habang si Imelda, na tumakbo sa ilalim ng Liberal Party, ay mayroon namang 82,229 boto.

Lumalabas na 740 boto lamang ang pagitan ng dalawang kandidato.

Ayon sa tweet ng GMA News, nais ni Imelda na ipawalang-bisa ang proklamasyon ng Comelec sa kanyang kalaban dahil diumano sa pandaraya.

Gusto rin daw nilang mabantayan nang maigi ang mga kinukuwestiyong ballot boxes at ligtas itong madala sa electoral tribunal para sa kanilang hinihiling na manual recount of votes, partikular na ang sinasabing rejected ballots.

Umaasa si Imelda na sa huli ay siya ang maiproklamang totoong nanalo sa pagka-kongresista ng ika-apat na distrito ng CamSur.

TRENDING. Kaugnay nito, naging trending topic si Imelda sa Twitter pagkatapos niyang maghain ng reklamo sa HRET.

Ang ilan sa mga ito ay memes ng sikat niyang awiting Isang Linggong Pag-ibig."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN