Billy Crawford, Coleen Garcia have no marriage plans yet despite her dad's blessing

Family is important to Billy Crawford and Coleen Garcia, the glue that seals their relationship. "Actually, Billy brought me closer to my family, masasabi ko," she says and he says, "Masasabi ko she is the one."


Binigyan na ng blessing ng ama ni Coleen Garcia na si Jose Garcia ang Kapamilya actress at ang boyfriend nitong si Billy Crawford kung sakaling magdesisyon ang magkasintahang magpakasal na.

Sabi ni Mr. Garcia, “Actually… hindi na kailangang sabihin, I mean, understood na iyon, e.

“They look so happy with each other.

“Sa akin naman, if ever, just keep up the good work.

“Pero it’s nice to be asked. If they ask, well, by all means.

“They’re the only ones who can answer if… sila na.

“So, for me, yung blessing, I think it’s been given already.”

Sinabi ito ni Mr. Garcia kaninang umaga, May 23, bilang special guest sa kauna-unahang sit-down interview na magkasama nina Billy at Coleen sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.

Guest din sa show ang brother ni Coleen na si Luis.

May dagdag na bilin pa ang ama ni Coleen para sa kanila ni Billy.

“Sa message, like I said, keep up the good work.

“Basically, what they’re doing is learning on a daily basis on how to get along with each other.

“If there’s one thing I like about them, kahit na there are times na… nagkagalit sila, they find a way that they are okay, ganun.

“I’ve been married before and marami akong pagkakamali because ni-rush namin.

“I guess, they know when is the right time.

“So, just let us know when you’re ready.”
 
WILLING TO WAIT. Sa magkahiwalay nilang interviews ay sinasabi nina Billy at Coleen na nais nilang sila ang magkatuluyan hanggang sa dulo ng kanilang relasyon.

Pero kahit binigyan na sila ng blessing ng ama ni Coleen ay ayaw raw nilang madaliin ang pagpapakasal.

Handa naman daw na maghintay si Billy hanggang maging ready si Coleen.

Ayon sa TV host-singer, “Masasabi ko she is the one, I mean, thirty-four years old na ako, I don’t wanna waste time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagawa ko na lahat, thirty years na ako sa industriya.

“Sa buong buhay ko, marami na rin akong pinagdaanan, lahat nagawa ko na.

“Pero alam ko kasi may natitira pang oras para sa trabaho niya [Coleen], sa passion niya, ano ba talaga ang gusto niya.

“She’s turning twenty-four, so I’m willing to wait patiently.”
 
PAST THE STORM. Blessing din daw para kina Billy at Coleen na napagdaanan na nila ang greatest challenge maaga pa lang sa kanilang relasyon.

Ito yung panahong iniintriga sila dahil kaka-break pa lang noon ni Billy kay Nikki Gil.

Sabi nga ni Coleen, “Yung start ng relationship, kasi hindi pa kami sure, e, ako hindi pa ako sure.

“Paano ka lalaban kung hindi ka sure? You really have to take a chance.”

Saad naman ni Billy, “At saka ang dami nang involved. Alam mo iyon, inuunahan na kami.

“So, kung ano na lang yung pumapasok sa ulo namin sa isa’t isa.

“Yung nagpapaniwala sa ibang tao. Iyon ang pinakamali, e.”

Ipinapagsa-Diyos na lang daw nila ang lahat at napagtagumpayan naman nila ito.

Ani Coleen, “Ang galing ni God kasi parang hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko, e.

“So I decided to go for it, humingi ako ng guidance and everything.

“Sabi ko kay God, ‘Just allow everything to fall into place.’

“And nagkataon na for the first time in my life, talagang nag-work ang isang relationship.

“There’s nothing wrong at all with what’s going on between us.”
 
AGE GAP. Samantala, may rebelasyon si Mr. Garcia nang matanong kung totoo bang hindi siya boto kay Billy noong una.

“Yung ex-wife ko ang [hindi]… she called me or she talked to me personally.

“‘Ano ba naman iyang anak mo? May nanliligaw sa kanya ang tanda-tanda na!’”

Kaagad namang nilinaw ni Coleen ang sinabi ng ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wait, can I clarify? Kasi nag-remarry yung mom ko.

“And yung new husband niya, e, thirty-four years old, same age as Billy.”

Singit pa ng daddy ni Coleen na may halong biro kay Billy, “I don’t see anything wrong. I mean, ‘Aren’t you marrying somebody younger than you are?’

“I think even bigger age gap.”

Sabi pa niya kay Coleen, “I think your mom’s gonna kill me after this.”

Natanong din ang kapatid ni Coleen na si Luis kung boto ba siya kay Billy.

“Hindi naman boto kaagad. Hindi rin naman I don’t like him at first.

“Hindi ko pa kasi kilala, iyon nung nakilala ko naman siya, we jive naman,” ani Luis.

FAMILY TRUST. Paano naman nakuha ni Billy ang tiwala ng daddy ni Coleen?

Pahayag ni Mr. Garcia, “Well, sa akin kasi when I met Billy, simple siyang tao… first time I met him it was Coleen’s birthday.

“After It’s Showtime, pumunta siya sa bahay, may dala siyang flowers, ako yata ang nadatnan niyang una.

“Nakatingin siya sa akin, ‘Ano iyan? Sa akin iyan?’

“Sabi niya straightforward, ‘No, para kay Coleen ito.’”

Paliwanag naman ni Billy, “Hindi, kasi, of course mahirap din, e.

“Kasi, di ba, sabi kailangan ligawan mo ang pamilya, kailangan ganito.

“Sa laki ba naman ni Tito, hindi ka ba naman matatakot, di ba?

“Pero alam mo iyong for some reason noong nakita ko yung family ni Coleen, I also fell in love with her family.

“Una sa lahat, ang ingay sa bahay nila, as in sobrang ang lakas nilang malakas.

“Pero ang nakaka-good vibes kasi totoong tao sila.

“Ipinapakita nila kung ano talaga yung pamilya nila.

“So, for me, ipapakita ko na lang din kung ano ako, kung sino ako.

“Kaya siguro kami ni Tito, nag-jive kami, Nag-uusap na kami tungkol sa kotse, tungkol sa motor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tungkol sa pagkain, kung anu-ano. Iyon na.”
 
DOMESTIC BLISS. Itinuturing ni Billy na second family niya ang pamilya ni Coleen.

“Yes, sobra. Ang mommy at daddy ko kasi nasa States sila.

“Kapatid ko nandito rin naman sa Pilipinas, pero may trabaho, may sarili ng pamilya.

“Eto kasi, for example, si Luis, ang nakakatawa nito pag nag-aaway yung dalawa.

“Siblings, e, eto [Coleen], ‘Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kay Luis. Bahala na siya sa buhay niya!’

“Eto [Luis] naman magsusumbong, ‘Ano ba iyang si Ate? Ano ba ang ginagawa niya?’

“So, ako naman, ‘Alam mo, Luis, doon ka muna sa bahay ko sa Eastwood.

“‘Magpalamig muna kayo ng ate mo ng ulo, mag-usap tayo kung ano ang problema mo.’

“So noong I got close to Luis, si Tito, I found out so many things about him and his family, yung parang may connection lahat.

“So sobrang blessed na they really accept me with open arms., they never judge me.”

Ayon naman kay Coleen, “Actually, Billy brought me closer to my family, masasabi ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN