Joey Marquez finally cleared in graft and malversation cases

Ipinawalang sala na ng Office of the Ombudsman si dating Parañaque City Mayor Joey Marquez sa kanyang kinakaharap na graft at malversation cases. Wala raw kasing pulidong ebidensiya na naiharap sa korte ang mga nag-akusa sa kanya ng katiwalian.


Pinawalang sala na ng Offfice of the Ombudsman ang aktor na si Joey Marquez sa mga huling kaso ng katiwalian na nasampa laban sa kanya noong alkalde pa siya ng lungsod ng Parañaque.

Sa inilabas na 11-pahinang desisyon ng anti-graft court, ibinasura na nito ang graft at malversation of public funds cases laban kay Joey dahil sa kawalan ng konkretong ebidensiya na sangkot siya sa mga maanomalyang gawain.

Saad pa sa resolusyon ng korte na pirmado nina Preliminary Investigation Bureau director Nellie Boguen-Golez at aprubado nina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at Assistant Ombudsman Marilou Ancheta-Mejica, "Complainant failed to establish the participation of Marquez in the assailed transaction.”

Hindi rin daw makikita ang anumang pirma ni Joey sa lahat ng mga dokumentong naipasa sa hukuman.

Nag-ugat ang kaso ng dating alkalde ng Parañaque sa diumano’y maanomalyang pagbili ng compost at recycling equipment, noong kanyang termino taong 2000 hanggang 2001, sa halagang P4.491 milyong piso.

Kasama ring napawalang sala ang kanyang dating city administrator na si Antonio Abad III, dating city treasurer na si Silvestre de Leon, dating general services office chief na si Ofelia Cunan; pati na ang Commission on Audit (COA) resident auditors na sina Antonina Asahan at Leonarda Alibutud.

Taong 2009 naman ay ibinasura rin ng Korte Suprema ang graft case laban kay Joey dahil naman sa overpriced ‘walis tingting’ project daw nito na walang public bidding.

Nagsilbing mayor ng Parañaque ang actor at TV host mula 1995 hanggang 2004.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN