Benjamin Alves admits dating Pia Wurtzbach during her pre-Miss Universe days

Benjamin Alves: "The last time I would feel like na I had... na nagde-date ako was with Pia. That was the very last one. Yun talagang ang feeling ko na may pupuntahan na ganoon, but didn't happen, but so close."


Ang mga babaeng napabalita na nagkaroon ng kaugnayan sa kanya ang mga isyung sinagot ni Benjamin Alves sa press launch ng A1 Ko Sa ’Yo, ang upcoming sitcom ng GMA Network, na ginanap nitong Martes ng gabi, May 24.

Sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga showbiz personality na na-link kay Benjamin.

Pero sa tatlong nabanggit, ang past special friendship nila ng reigning Miss Universe ang tanging inamin ng aktor.

Ayon kay Benjamin, “In 2014, we used to date. Matagal din, most of 2014.

“Hindi talaga umabot sa level na naging kami, pero we’re still friends. I’m happy for her.

“Before she joined Binibining Pilipinas, nung nanalo na siya, magkaibigan na kami.

“I watched her sa Binibining Pilipinas.”

Wala naman daw panghihinayang o pagsisisi sa panig ng aktor kahit hindi sila nagkatuluyan ni Pia.

Sabi ni Benjamin, “Ganoon talaga, nangyayari talaga, but at least we’re friends.

“Ang ganda ng ginagawa niya with Miss Universe.

“I think she’s the most successful, most influential Miss Universe.

“We are all excited when she comes home.”

GLAIZA & KYLIE. Ipinaliwanag din ni Benjamin ang estado ng relasyon niya kina Glaiza de Castro at Kylie Padilla.

Saad niya, “Yung kay Glaiza, ano talaga, we meet up, pero hindi naman talaga…

“Ako naman kasi, ang pinakahahabol ko, kung wala talagang mangyari, at least magkaibigan kami.”

Patuloy ni Benjamin, “Yung kay Kylie Padilla, once pa lang kami lumabas.

“After that, hindi na…

“The last time I would feel like na I had... na nagde-date ako was with Pia.

“That was the very last one.

“Yun talagang ang feeling ko na may pupuntahan na ganoon, but didn’t happen, but so close.”

Nanindigan si Benjamin na single siya ngayon.

Wala rin daw siyang plano na balikan ang panunuyo kay Pia dahil masaya na siya sa friendly relationship nila. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think she’s gonna stay very busy with Miss Universe even after she has to give the crown, magiging bising-busy pa rin siya.

“We’re not strangers to each other and pareho naman kami ng manager. 

“Sa ngayon, I’m just happy that I have a friendly relationship with a Miss Universe.

“I’m just happy with that…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN