Jaclyn Jose not expecting hero's welcome for her Cannes Best Actress award

Jaclyn Jose: "Mula noong umalis ako, hindi pa ako natutulog. Hanggang Biyernes pa 'to, ang tulog ko sa Sabado pa. Pero iti-treat ko naman yung family ko, so sa Linggo na lang ako matutulog."


Hindi ang Best Actress trophy na napanalunan niya sa 69th Cannes Film Festival ang unang international award ni Jaclyn Jose.

Noong November 1994, pinarangalan siya sa 14th Festival International du Film d’Amiens sa Amiens, France, para sa kanyang mahusay na pagganap sa internationally-acclaimed Filipino masterpieces na Macho Dancer, Private Show, at Itanong Mo Sa Buwan.

Ginawa ni Jaclyn ang paglilinaw sa presscon ng A1 Ko Sa ’Yo, ang bagong sexy sitcom ng GMA Network na pinagbibidahan niya at mapapanood tuwing Huwebes, simula sa June 2.

Ayon sa aktres, “Yung tribute sa Amiens na dinedma ng mga tao.

“May tribute ako sa Amiens, itanong mo kay Ed [Instrella, her former manager], mga 1994 ‘yon.”

Hindi raw umaasa si Jaclyn na bibigyan siya ng motorcade o hero’s welcome dahil sa pagkapanalo niya sa Cannes.

Sabi niya, “Hindi naman kailangan na ‘yon, di ba?

“Ito lang salubong sa akin ng Kapuso, dito sa kung saan ako under contract, ang laki na nito. Sapat na sapat na.

“Nandiyan si Ma’am Lilybeth [Rasonable], si Ma’am Redgie [Magno], si Ma’am Cheryl [Ching-Sy].

“Ang sarap na ng pakiramdam na yun.”

Ayon pa kay Jaclyn, halos wala pa siyang pahinga mula noong pumunta siya sa France para sa Cannes Film Festival.

“Mula noong umalis ako, hindi pa ako natutulog.

“Hanggang Biyernes pa ’to, ang tulog ko sa Sabado pa.

“Pero iti-treat ko naman yung family ko, so sa Linggo na lang ako matutulog.”

ACTING SHOWDOWN. Samantala, hinikayat ni Jaclyn ang mga manonood na panoorin ang kinabibilangan niyang afternoon drama series, ang The Millionaire’s Wife dahil sa mga eksena nila ni Sid Lucero.

Si Sid ay anak ng namayapang aktor at dating karelasyon ni Jaclyn na si Mark Gil.

Sabi ng aktres, “Puro highlights. Puro kabog scene.

“Kasi kami ni Sid, kapag nagtrabaho, parang Coco Martin din, we go by instinct.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguradong yung viewers ng The Millionaire’s Wife, magugustuhan nila.”

Kung si Jaclyn ay nanalo sa Cannes, si Sid ay nanalo namang Best Actor award sa Los Angeles Comedy Festival para sa pelikulang Toto noong Linggo rin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN