Mariel Rodriguez on her third pregnancy: "This is it!"

Mariel Rodriguez on her third pregnancy: "This is my longest pregnancy, so feeling ko ito na talaga 'yon. This is it!"


Wala raw intensiyon ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez na ilihim sa publiko ang ikatlong pagbubuntis It's Showtime host.

Matatandaang hindi agad kinumpirma ng celebrity couple ang pagbubuntis ni Mariel sa kabila ng pagbati sa kanya ng talent manager at entertainment columnist na si Ogie Diaz sa Twitter.

Read: Mariel Rodriguez is pregnant again

Pormal lamang nilang inanunsiyo ang tungkol dito sa It's Showtime noong Sabado, May 21.

Read: Mariel Rodriguez happily announces she is three months pregnant

“I really waited for the go-signal of the doctor to tell me na it's a go, it's all right. Even though she actually gave me a go signal weeks before,” paliwanag ni Mariel sa reporters na dumalo sa pagpapakilala sa kanila ni Robin bilang ambassadors ng Hotel Sogo kahapon, May 24.

Patuloy ni Mariel, “Kaya lang kasi, di ba, sabi nila, kailangan kong buuin ang first trimester, kailangan kong malagpasan.

“Pero noong nalagpasan ko naman yun, sinabi ko naman agad.

“Ako pa, sobra kong gustong i-share talaga.

“Sobra akong proud! Sobra akong happy!

“Gustung-gusto ko talaga ipagsigawan na, 'Yes!' Kaya lang, parang ayaw kong maudlot.”

SO FAR SO GOOD. Ganito naman paulit-ulit na inilarawan ni Mariel ang kanyang pagbubuntis.

Base sa kanyang pananalita kahapon, mas kampante na ngayon ang Kapamilya TV host sa pagbubuntis niya.

Matatandaang dalawang beses nang nakunan si Mariel.

Kaya naman sabi ni Mariel, “This is my longest pregnancy, so feeling ko, ito na talaga yun. This is it!”

Dagdag pa niya, “Ito kasi, hindi namin ito plinano, talagang nangyari.

“Noong umpisa pa nga, in denial pa ako, sabi ko, 'Huh? Hindi siguro.'

“Natatakot pa ako sa doctor, pinilit lang niya ako.

“So it's really a blessing. We're really so happy.”

MABIGAT NA PROSESO.” Bagamat masaya sina Mariel at Robin sa isa pang pagkakataong ibinigay sa kanila para magkaanak, hindi naman naitago ng huli ang pag-aalala para sa kanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng action star, “Sa usapin ng pagbubuntis niya, medyo mahirap ang pinagdaraanan ni Mariel.

Kasi, alam naman natin ang istorya, na masyadong malakas ang anti-bodies niya.

Laging kapag nag-uumpisa ang pagbubuntis niya, laging namamatay yung bata sa loob.”

Patuloy niya, “Ngayon, may pinagdadaanan siyang mabigat na proseso.

“Katunayan, seloso lang ako. Kung hindi, itataas ko ang palda niya at [makikita niyo] puro pasa ang hita niya.

“Buong hita niya puro pasa dahil, hindi naman dahil sa adik, pero kailangan niyang magsaksak ng heparin dalawang beses sa isang araw. Bukod pa sa sinasaksak niyang insulin.

“So, hindi madali ang pinagdadaanan ni Mariel, ang isinasakripisyo niya para sa bata.”

Dagdag na paliwanag naman ni Mariel, “It's every day. Kasi my body, my blood is attacking the baby.

“Iniisip niya na foreign body kaya inaatake niya siya.

“So, I have to take my heparin shots para pampakalmahin na rin ang dugo ko, para the nutrients can go to the baby.”

Bukod pa rito, kailangan din ni Mariel ng regular na i-monitor ang kanyang blood sugar level dahil mayroon siyang gestational diabetes.

MORE THAN EXCITED. Sa kabila nito, lubos ang excitement ng mag-asawa sa pagsilang ng kanilang magiging unang anak—na kung babae ay pangangalanang Maria, na hango sa pangalan ni Mariel; kung lalaki naman ay Fernando, na hango sa tunay na pangalan ni Robin.

Sabi ni Mariel, “Ako, I'm really excited na. I couldn't believe na it's for real.

Sa totoo lang po, noong umpisa ganito kami, 'O, sino ang may kasalanan? Paano nangyari?'

Kasi, hindi talaga namin plinano this time.

Tapos noong Holy Week, nagpunta pa nga ako sa Korea, nag-rollercoaster pa ako, lahat.

In denial ako talaga.

“Totoo pala yun, it really happens when you least expect it.

Si God talaga ang bahala.”

Si Robin naman ay pabirong inilahad ang kanyang excitement sa muling pagkakaroon ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Excited na akong lumabas na para makaiskor naman ako.

Hindi, excited ako, kasi masaya siya, e. Talagang lahat pinagdaanan niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN