Presumptive president Rodrigo Duterte all set to declare five major orders

Presumptive president Rodrigo Duterte on abolishing corrupt government agencies: "But to those who are doing their job in good faith, I'm sorry, but sabihin ko sa inyo, isa sa pinaka-corrupt na agency ang BIR, Customs, LTO. Iyang tatlong iyan i-abolish ko na lang para wala na."

 


Sentro ng usap-usapan ang mga malalaking reporma at utos na nais ipatupad ni presumptive president-elect Rodrigo Duterte sa oras na pormal siyang hirangin bilang bagong pangulo ng Pilipinas.

Bagamat hindi pa tapos ang official canvassing sa Senado, malinaw na landslide ang pagkapanalo ni Duterte base sa partial and unofficial election results.

Dito ay nakakuha si Duterte ng mahigit 15.9 million votes.

1. ABOLISH BIR, BOC, AND LTO.

Una na rito ang pagnanais niyang buwagin ang mga pamunuan ng Bureau of Internal Revenue, Bureau of Customs, at Land Transportation Office, kung saan talamak diumano ang korupsyon.

Pahayag ni Duterte, “I’m sorry to say, pero totoo na riyan, e.

“But to those who are doing their job in good faith, I'm sorry, but sabihin ko sa inyo, isa sa pinaka-corrupt na agency ang BIR, Customs, LTO.

“Iyang tatlong iyan i-abolish ko na lang para wala na.”

2. THREE-CHILD POLICY.

Nais ding solusyunan ni Duterte ang patuloy na pagtaas ng populasyon ng bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng three-child policy.

Ito ay sa kabila ng pagtuligsa ng Simbahang Katoliko laban sa Reproductive Health Law.

Pahayag ni Duterte, “I only want three children for every family.

“I'm a Christian, but I'm a realist so we have to do something with our overpopulation.

“I will defy the opinion or the belief of the Church.”

Kamakailan ay inirekomenda pa niyang mag-family planning ang isang mag-asawa sa Davao City na mayroong 11 na anak.

Ito ang pabirong pahayag ni Duterte nang malaman niyang jeepney barker ang hanapbuhay ng lalaki, “Ipapuputol oten aning yawa [Let's cut off his thing].”

3. DEATH PENALTY.

Desidido si Duterte na ibalik ang pagpataw ng parusang death penalty para sa heinous crimes.

Lalo na umano kung may kinalaman sa illegal drugs.

Sabi ni Duterte, “What I would do is urge Congress to restore the death penalty by hanging, especially if you use drugs.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

4. MARCOS BURIAL.

Nanindigan si Duterte na plano niyang ipalibing sa Libingan Ng Mga Bayani ang yumaong presidente at diktador na si Ferdinand Marcos.

“I will allow Marcos burial in Libingan Ng Mga Bayani, not because he was a hero, but because he was a Filipino soldier.”

Sa kasalukuyan ay makikita ang labi ni Marcos sa isang mausuleo sa hometown nito sa Batac, Ilocos Norte.

Sabi pa ni Duterte hinggil dito, “Iyang issue ni Marcos diyan sa Libingan Ng Mga Bayani has long created a division amongst our people.

“Almost all of the Ilokanos, naghihinakit talaga. Lahat.

“Halos lahat, mga Ilokano, galit kung bakit ganoon ang ginawa sa kanya.”

5. GMA PARDON.

ISinabi rin ni Duterte na bibigyan niya ng presidential pardon si dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.

Kasalukuyang nakaditena si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center dahil sa kasong plunder at electoral fraud.

Ngunit tinanggihan umano ni Arroyo ang alok ni Duterte, dahil ayaw ng una na mag-plead ng guilty sa mga naturang kaso.

Lahad ni Duterte tungkol sa pag-uusap nila ni Arroyo, “Ayaw niya. I offered her.

“I said, ‘When I become President, I will pardon you.’

“I talked to her. Sabi ko, ‘Ma’am, gusto mo i-pardon kita? Not because we’re friends but because I do not think there is a good case against you as a prosecutor and as a lawyer.’”

Sa kabilang banda, patuloy ang pagdinig ng Supreme Court sa petisyon ni Arroyo na sumailalim sa house arrest.

Makailang-beses na ring pinagbigyan ng Supreme Court si Arroyo na magkaroon ng furlough o pansamantalang makalaya—noong nakaraang Pasko, Bagong Taon, at nang magdiwang ito ng kanyang 69th birthday noong Abril.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN