Julie Anne San Jose to graduate from college on May 31

Magtatapos na ng kursong Mass Communications sa Angelicum College ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose ngayong darating na May 31. Sabi ni Julie Anne tungkol sa pagpupursigi niyang makapagtapos ng kolehiyo, "Gusto ko rin mag-set ng good example sa ibang kabataan ngayon na mag-aral talaga, kasi education is really important."


Sa May 31, Martes, na ang graduation ng Kapuso singer-actress Julie Anne San Jose sa kursong Mass Communications sa Angelicum College.

Hindi man siya napasama sa mga nakakuha ng top honors, masaya na rin ang 22-year-old Kapuso star na kabilang siya sa Dean’s Listers ng kanilang batch.

(Courtesy: JAPSnapchat)

Paano niya nababalanse ang kanyang oras sa pag-aaral at sa pagtupad ng kanyang showbiz commitments?

Nakangiting sagot ni Julie Anne, “Gusto ko lang maging productive.

“I’m not expecting for anything big naman.

“Pero for me kasi, parang nasanay na ako na gusto ko palaging may mga achievements o may awards, mga ganun.

“This is also one way of making my family, my parents happy.

“Gusto ko rin mag-set ng good example sa ibang kabataan ngayon na mag-aral talaga, kasi education is really important.”

May big celebration ba sa kanyang graduation?

Sabi ni Julie Anne, “I don’t know. I don’t really think about yung mga parties, yung ganun.

“Basta ang importante talaga, yung makapagtapos ng pag-aaral, makuha ko yung diploma. Tapos makaakyat ng stage with my parents.”

Ayon pa kay Julie Anne, in-offer-an na kaagad siya ng Angelicum na magturo ng theater pagka-graduate.

Pero ipagpapaliban muna raw niya ito hanggang second semester dahil magbabakasyon siya sa Europe sa darating na Hunyo.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa kanyang post-birthday charity celebration kasama ang mga batang nasa pangangalaga ng Virlanie Foundation.

Ginanap ang masayang party niya sa Dreamplay, City of Dreams, Parañaque City, kaninang tanghali, May 25.

IDEAL GUY. Noong May 17 pa talaga ang ika-22 kaarawan ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart.

Ngayong malayu-layo na rin ang kanyang narating sa showbiz, partikular na sa pagkanta, ano ang pakiramdam ni Julie Anne ngayong nakaukit na rin siya ng pangalan sa showbiz?

Sabi niya, “It’s really awesome and parang it’s funny how you think about parang how time flies really fast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka parang at a very young age, nag-start ako kumanta, tapos biglang ga-graduate na ako, tapos... yun.”

Malapit na ring ilabas ang kanyang bagong album at tila love life na lang ang kulang sa kanya.

Ano ba ang hinahanap niyang ugali ng isang lalaki upang magustuhan niya ito?

Natatawang sabi ni Julie Anne, “Yun po talaga ang tanong? A, simple lang po, yung understanding, love yung family, and may takot sa Diyos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN