Keanna Reeves accuses StarStruck alumnus Prince Stefan of verbal assault, abuse

Umaapoy ang galit ni Keanna Reeves laban sa isang StarStruck alumnus na diumano'y pinapahiya siya at sinabihan ng kung anu-anong masasakit na salita. Nagbanta rin si Keanna na ilapit ang kanyang reklamo sa Gabriela, ang organisasyong tumutulong sa mga babaeng biktima ng anumang klase ng pang-aabuso. Bagamat hindi nagbanggit ng pangalan si Keanna, malinaw na ang tinutukoy niya ay si Prince Stefan na nakasama niya sa isang show sa South Korea kamakailan.


Beastmode sa Facebook simula pa kahapon, May 24, ang sexy comedienne na si Keanna Reeves.

Obserbasyon ng marami, ang pinatatamaan ng kanyang mga birada ay si Prince Stefan, ang First Prince ng artista search ng GMA Network na StarStruck Season 4.

Tirada ni Keanna sa kanyang Facebook post kahapon: “May isang BAKLA!!! galing sa starstruck at feeling sikat!!! e di naman sya kilala sa mga shows!!! bwesit ako sa kanya at humanda sya!!! babanggitin ko pangalan nya at di ako matatakot!!! ?#‎beastmood.”

THE SHOW IN KOREA. Ilang araw bago ang Facebook post na ito ni Keanna, nagkasama sila ni Prince sa isang show para sa Filipino-Korean community sa Incheon, South Korea.

Panay pa nga ang post nina Keanna at Prince sa social media ng kanilang mga larawan habang nasa Korea.

Pero tila nagbago ang takbo ng hangin nang bigla na lamang maglabas ng kanyang galit si Keanna sa Facebook  kahapon.

Sabi ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition winner, nilait daw ng kaaway niya ang kanyang pagkatao.

Kahit hindi pinangalanan ni Keanna kung sino ang kanyang tinutukoy, may hinala na ang marami sa followers niya kung sino ang pinariringgan nito.

Narito ang ilang komento at sagot ni Keanna sa mga nagtanong kung sino ang kanyang kinaiinisan:

DIVA KEANNA IN KOREA? Pero sa isang komento naman sa Facebook account ni Prince, tila ang dating ay nag-diva-divahan daw si Keanna sa Korea.

Hindi na raw natiis ni Prince ang attitude ni Keanna kaya pinatulan na niya ito.

Komento naman ni Prince dito, "Oo beh pero kita mo naman todo defend pa rin ako sa kanya kahit nagsisigaw sha event, until the last day hindi na ako nakatiis, ubos na pasensha na kailangan ko na patulan."

Lumutang din ang isyu sa pera na naging dahilan diumano ng away nina Keanna at Prince.

Base ito sa isang post ni Keanna tungkol sa singilan sa pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I WAS RAISED TO BE RESPECTFUL.” Marahil ay nakarating na kay Prince ang mga birada ni Keanna laban sa kanya, kaya naman naglabas ito ng aniya'y una at huling statement niya tungkol sa isyu.

Pahayag ng StarStruck alumnus, "I will just be the better person who understands the situation, well mannered and with breeding. I never looked down on anyone because I was raised to be respectful.

"And i never said nor bragged about being a famous celebrity, but I sure know how to thank people who've helped me get where i am now.

"I asked HER to be part of the KOREA show because i always believe that everyone gets the second chance to just really prove themselves regardless of background and reputation.

"We are all here to work for a living and never in my entire life to have been put in a position in such a way that someone will actually humiliate me and create false stories about me.

"Nevertheless, i take this positively and will not stop pursuing my passion as an artist and as a performer/entrepreneur no matter how small others may see it.

"I love my job and i will continue to strive harder to entertain people.

"This will be my first and last statement. And for whatever it's worth, I hope to make peace to whom ever i have offended in any way. To God be the Glory. P. Stefan

HUMILIATION, VERBAL ASSAULT. Ngayong araw, May 25, dalawang magkasunod na videos ang in-upload ni Keanna sa kanyang Facebook.

Mahaba ang naging litanya niya sa mga video na ito, kung saan binigyang punto ni Keanna ang kaibahan nila ng StarStruck alumnus at siya bilang Big Winner sa PBB Celebrity Edition.

Sa unang video, nakasaad ang ganitong caption:

"PART 1: Wala tong kinalaman sa food kasi diet ako!!! Wala tong kilalaman sa tf kasi bayad ako!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala tong kilalaman sa boobs ko kasi katawan ko to!!! Wala tong kilalaman sa utak kasi may diskarte ako!!!

"Para to sa pagiging RESPONSiBLE at sa taong nagmamagaling at harapan mo ako wag ka magsusumbong sa kapwa mo bakla!!!

"Ako harapin mo kasi ikaw yong may ATRASO sakin!!! Kung sino sa mga kaibigan mo kuno gusto sumali sa kaso e di sabihin nyo lang!!! Ang usapan dito about sa ginawa mo sakin!!!

"(HUMILIATION and VERVAL ASSAULT and ABUSE) wala kayong alam isang tao lang kailangan ko humarap at panagutan nya ang mga sinasabi nya sakin!!!

"Simula palang to at hindi ako titigil mabigyan lang ng JUSTICE ang ginawa mo!!! Wag ka pa english 2x!!! harapin mo ako kung matalino ka!!! Patunayan mo lang ng sinasabi ng magaling mong bonganga!!!"

Sa pangalawang bahagi ng video, sinabi ni Keanna na lalapit siya sa Gabriela at sa ilan pang media.

Nagpadala na ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Keanna at Prince tungkol sa isyung ito para sa karagdagang pahayag o paglilinaw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN