Roi Vinzon files online libel suit against movie producer

Online libel ang kasong isinampa ni Roi Vinzon laban sa movie producer at aspiring actress na si Kate Brios dahil diumano sa paninira nito sa kanya sa social media. Si Kate ang producer at si Roi ang direktor ng horror movie na Maria Labo na ipinalabas sa mga sinehan noong November 2015.


Online libel ang kasong isinampa ni Roi Vinzon laban sa movie producer at aspiring actress na si Kate Brios dahil diumano sa paninira nito sa kanya sa social media.

Si Kate ang producer at si Roi ang direktor ng horror movie na Maria Labo na ipinalabas sa mga sinehan noong November 2015.

Kabilang sa mga dumalo sa premiere night ng pelikula si Davao City Mayor at incoming President Rodrigo Duterte, na malapit na kaibigan ni Kate.

Nagkaroon ng lamat ang pagiging magkaibigan ng dalawa pagkatapos ng showing ng Maria Labo dahil, ayon kay Roi, tinawag siya ni Kate na “mandurugas.”

Ikinuwento ni Roi ang kaso na isinampa niya laban kay Kate sa Pampanga nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng A1 Ko Sa ‘Yo, ang upcoming comedy series ng GMA Network, noong Martes, May 24.

“Idinemanda ko ngayon. May demanda siya sa akin dahil sa social media.

“Minamaliit niya yung mga nandiyan, yung mga cameraman.

“Nabayaran naman ako pero hindi masyadong...

“Hindi ko na nga pinapansin pero medyo idiniin ako, e.

“Tinira ako sa social media, pangalan ko, e.

“Camp Crame pa nga ang nag-screen shot [ng mga ebidensiya].”

Patuloy ng beteranong aktor, “Yung mga nagtatanggol sa akin, kilala ako na wala akong record o something.

“Hindi ako sumagot. May mga sumasagot para sa akin, yung mga fans.

“Yung Gimo [Teniente Gimo, ang pelikula ni Kate na mapapanood sa mga sinehan sa June 1], sa akin din yun.

“Project ko rin yun, kaya lang nakursunadahan siguro, ginawa niya.

“Basta, we’ll wait na lang. Malalaman niyo sa akin.”

ONLINE LIBEL. Hindi raw nagustuhan ni Roi na idinaan pa ni Kate sa social media ang birada nito sa kanya sa halip na kausapin siya nang personal.

“Basta binanatan niya ako.

“Kung anuman ang problema mo, sabi ko, pag-usapan natin. E, hindi siya nakikipag-usap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung may atraso ako sa ‘yo, e, di pag-usapan natin.

“Hindi kami nag-usap, diniretso niya sa social media. 

“Pinreskon namin, nag-premiere night, natapos, tapos magko-complain ka ng gastos?

“E, ang liit-liit ng gastos mo. Ako raw ganito, ganito.

“‘My God, buti na lang, hindi mo nakausap ang mga reporter,’ sabi ko.

“P2.5 million lang ang post production mo, lahat, yung location.

“Tapos, yung artista, hiwalay. Nasa sa ‘yo yun kung sino gusto mo.

“Pinili niya si Jestoni Alarcon. Actually, gusto niya si Ian Veneracion, hindi puwede.

“Okay, discretion mo na ‘yan, pero yung post-production, akin na, direction ko, lahat na.”

Isinampa raw ni Roi ang kasong online libel laban kay Kate noong nakaraang buwan.

“Basta malapit na yung hearing.

“Kasi sana, naintindihan ko yung social media, okey lang sa akin kung ite-text niya ako, di ba?

“‘Hoy, ang sama ng pelikula mo, ganito, ganito.’

“Yun ang mabigat. To think ginawa ko yung lahat, pero iso-social media mo ako?

“Hindi siya sanay. Sabi ko, ‘Makipag-usap ka sa mga sanay sa pelikula. Ang liit niyan,’ sabi ko.

“Alam mo ba na P36 million ang mga pelikula namin ni Fernando Poe Jr.?

“Tapos, P2.5 million ang inaano mo sa akin, talent fee ko lang dati?

“E, hindi kasi siya sanay. Yun, sinira niya ako.

“Kapag ipinakita ko sa ‘yo, ‘Hoy, Roi David Vinzon, ano ka, mandurugas!’

“Aba, ang bigat nito.

“Ako pa nga nagdi-direct ng commercials niya sa vitamins, yung food supplement.”

Sabi pa ni Roi, “Ayoko ng ganito, ayoko ng magulo, ayoko ng may kaso.

“Ano ang masasabi sa akin ng tao? Tapos, sasabihin mo sa judge na ganoon ako?

“Ang dami kong na-produce, eleven films, tapos gaganunin mo ako, sa halagang P2.5 million?

“Sabi ko, unahan mo na ako dahil dadayo ka dito. Unahan mo na ako kung may demanda, e, wala silang mahanap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi puwedeng estafa, may na-produce ako, meron akong na-premiere night, natapos ang pelikula. After natapos, ipinalabas.

“Ngayon magko-complain ka sa akin dahil hindi masyadong kumita? Sino ka?”

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Kate Brios kaugnay ng mga naging pahayag ni Roi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN