Is that an engagement ring on Vina Morales's finger?

Engaged na nga ba si Vina Morales sa boyfriend nitong si Marc Lambert? Marami kasi sa followers ng Kapamillya singer-actress ang nagsasabing mukhang engaged na ang magkasintahan dahil sa singsing na suot ni Vina.


Engaged na nga ba si Vina Morales at ang French boyfriend nitong si Marc Lambert?

Ito ang tanong ng ilang followers ng singer-actress sa Instagram dahil sa isang photo nito kasama ang nobyo, kung saan kitang-kita ang tatlong singsing sa kanyang daliri.

#mlovev Have some Black Bison ???????? Have a great day my IG family ??? Happy times with my love ?????

A photo posted by Vina Morales (@vina_morales) on

Kaya naman tanong ng followers ni Vina: Engaged na nga ba sila at kailan naman ang kanilang kasal?

Sa nakaugalian, nasa kanang kamay dapat ang engagement ring. Pero depende na rin ito sa kung saan gusto isuot ng magkasintahan ang naturang singsing.

Kasalukuyang nasa Switzerland sina Vina at Marc para sa kanilang ninth monthsary celebration.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN