Maria Isabel Lopez blames her gown for stealing the show at Cannes red carpet

Maria Isabel Lopez on her Cannes red-carpet experience: "No regrets, yung some comments lang na parang nag-focus sila sa gown dun sa red carpet at hindi yung pride ng bansa na nakasali nga sa main competition yung movie."


Inamin ni Maria Isabel Lopez na naiilang siya sa ‘di raw sinasadyang pagpukaw niya ng atensiyon sa red carpet ng 69th Cannes Film Festival noong nakaraang linggo.

Naging laman ng social media ang kanyang agaw-eksenang pagrampa sa Cannes at ang suot niyang green gown.

Kabilang si Isabel sa Pinoy contingent na nagpunta sa Cannes ngayong taon dahil kasama siya sa cast ng Ma’ Rosa, isa sa main competition entries.

Ang lead star ng pelikula na si Jaclyn Jose ang itinanghal na Best Actress sa prestihiyosong film festival ngayong taon.

Pahayag ni Isabel tungkol dito sa atensiyong nakuha niya, “I felt na right after the red carpet, ang reaction ng netizen is the gown and not the film made to Cannes sa main competition.

“Yung gown is kinda like medyo mababaw. Not all citizens will, like, react and focus on the gown.

“Why can’t we focus on the pride na ang Philippines is pumasok sa competition?

“Look, every year we have an entry in the Miss Universe pageant, and it’s not every year that we get to be in the Cannes Film Festival and the main competition.”

Nakausap ng PEP,ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Isabel sa welcome dinner para kay Jaclyn Jose na ibinigay ng Solar Entertainment Inc. owner na si Wilson Tieng, na ginanap sa Shangri-La Makati, nitong Miyerkules, May 25.

THE GOWN. Bagamat may nagsasabing ang motif ng Cannes Film Festival this year ay white, beige, black, ipinagdiinan ni Isabel na hindi sadya ang pagdadala niya ng green gown sa red carpet para mapag-usapan.

Saad niya, “Wala naman akong intensiyon.

“You have seen me go to many red carpet premieres dito.

“I’m always visible sa mga premieres dito, whether it’s my film or not, and I always dress up and I don’t get noticed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In fact, in 2009 [Cannes], I did exact pose, the same pa-meywang, the same weight, the projection, look to the left, look to the right and smile.”

Ipinaliwanag din ni Isabel kung bakit nakahiwalay siya sa group pictorial nila ng Ma’ Rosa cast at ni Direk Brillante Mendoza.

Sinasabi kasi ng ilang netizens na sinadya raw ng aktres ito para talaga lumutang sa mga kasamahan niya.

Paglilinaw ng dating beauty queen, “Hindi pa kami rumampa, sa baba pa lang, ilang beses akong naapakan.

“Alam mo ba pag naapakan yung gown or train mo, ang mangyayari, gaganun ka [maa-out of balance]?

“Ayoko namang gumanun sa red carpet.

“Naapakan ni JP [John Paul Duray], naapakan nung iba sa production.

“Si John Paul, siya ang katabi ko, was so gracious to hold my hand.”

Dagdag pa ni Isabel, “Pag nadapa ka, walang poise.

“In fact, hindi ako naka-flatform. Pag naka-flatform pa ako nang ganun, mas tetano yun, di ba?

“Naka-stiletto lang ako, the classic stiletto.

“Ayoko lang madapa… my god, if you saw the gown, punung-puno ng footprints!”

Unang kita pa lang daw ni Isabel sa gown, nakaramdam na siya ng pag-aalala.

Kuwento niya, “Nung pinik-ap ko yung gown, medyo nag-worry ako.

“Sabi ko kay Albert Andrada [fashion designer], ‘Simplehan mo lang. Remember, you’re doing a dress of a junior citizen.

“’Second, huwag mong habaan ang train. Hindi ko ‘yan maki-carry sa red carpet.

“’Ayokong mahirapan ako. I wanna be comfortable.’”

NOT HURT. Nilinaw rin ni Isabel na hindi siya nasaktan sa mga pambabatikos sa kanya kaugnay sa red-carpet walk niya.

“Alam mo naman ako, maraming masakit na nangyari sa buhay ko na pagdating sa ganyan, hindi ka masasaktan.

“The mere fact na na-ban ako sa Araneta Coliseum, isa yun sa mga no pain, no gain sa akin.

“It made me a better actress because of the pain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nung kinuha ko yung gown talaga, nahiya ako, nag-worry ako, kasi three times sa lalim ng kay Pia Wurtzbach.

“My god, junior citizen itong binibihisan niya!

“Pangalawa, yung train, times three yung haba ng train niya.

“Sabi ko, ‘Albert, paano ko ‘to madadala?’

“’Ay, lumakad ka lang sa stairs. Pag haharap ka, iwan mo lang yung train sa hagdan, humarap ka lang.

“’Tapos tumalikod ka, susunod na yung train sa iyo.’

“Paniguro, hinawi kong ganun yung gown, may shot na ginanun ko yung train nung nakatalikod ako.

“No regrets, yung some comments lang na parang nag-focus sila sa gown dun sa red carpet at hindi yung pride ng bansa na nakasali nga sa main competition yung movie.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN