Bubble Gang mainstay Denise Barbacena surprised by offer to star alongside Cannes winner Jaclyn Jose

Young comedy actress Denise Barbacena deems it an honor to be working with Cannes winner Jaclyn Jose in a new GMA series. "Hindi ako makapaniwala na ang TV mom ko ay Cannes best actress! It is such an honor to work with such a gifted actress. Sana po magtuloy-tuloy yung working relationship," she says.


Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ang Protégé alumna na si Denise Barbacena na siya ang napiling gumanap na anak ng Cannes 2016 Best Actress na si Jaclyn Jose sa sexy comedy series ng GMA-7 na A1 Ko Sa ‘Yo.
    
Nagulat daw siya nang sabihin sa kanyang kasali siya sa show bilang anak nina Jaclyn at Gardo Versoza.
    
Kuwento ni Denise, “Hindi naman po ako nag-audition for the role of Kaycee.
    
“Nagte-taping ako ng Bubble Gang noong sinabihan ako ng GMA Artist Center na may bago akong show at magiging anak ako ni Jaclyn Jose.
    
“Akala ko po noong una ay teleserye, hindi naman po ako sanay pa sa mga dramatic scenes.

“Never pa ako nagkaroon ng teleserye talaga.”
    
Dagdag niya, “Alam naman natin kung gaano kagaling si Ms. Jaclyn pati na si Kuya Gardo.
    
“Noong sinabi nila na comedy yung show, medyo nawala ang kaba ako, kasi nasanay na ako na magpatawa because of Bubble Gang.
    
“Sa totoo lang po, masaya katrabaho si Ms. Jaclyn at si Kuya Gardo.
    
“Hindi ako makapaniwala na ang TV mom ko ay Cannes best actress!

“Kasama na ako sa ibang mga artista na nakatrabaho niya.

“It is such an honor to work with such a gifted actress.
    
“Sana po magtuluy-tuloy yung working relationship namin na masaya lang, tapos nagtutulungan.”

FUTURE DOCTOR. Ipinagpapatuloy din ni Denise ang kanyang kursong Medical Technology sa Fatima University in Antipolo City kunsaan nasa fourth year na siya.
    
Pangarap din kasi niyang maging isang doktor.
    
“Noong bata ako, gustung-gusto ko maging doktor, gusto kong maging general practioner.

“Gusto ko rin na tumulong na magbigay ng medical services sa mga malalayong probinsiya.

“Marami po akong gustong gawin sa buhay ko, gusto kong matupad lahat.

“Kaya paunti-unti ay may naa-achieve naman po ako.
    
“Balang-araw, magiging singing doctor din po tayo na nagpapatawa sa TV,” saad ni Denise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIRST DREAM. Maging singer ang unang gusto talaga si Denise.

Noong sumali siya sa reality-based singing talent show na Protégé: The Battle For The Big Break, ang naging mentor niya ay ang rapper na si Gloc-9.
    
Wala na raw siyang balita sa mga ka-batch niya sa Protégé na sina Jensen Tenoso, Normer Limatog Jr., Lira Bermudez, Lovely Embuscado, at ang winner na si Krizza Neri.
    
Sabi ni Denise, “Yung iba po sa social media ko na lang nakukumusta.

“May kanya-kanya na rin siguro silang mga career.
    
“Ako na lang po nga ang active sa batch namin, nag-shift kasi ako from singing to acting.

“Enjoy naman po ako sa Bubble Gang at nakakaapat na taon na pala ako sa show.
    
“First love ko pa rin naman ang singing. Yun ang gusto ko talaga.

“Dream ko pa rin ang magkaroon ng sarili kong album, magkaroon ng hit single na mada-download sa mga music streaming services.
    
“Pero dahil may opportunity tayo na umarte muna, hindi ko naman tatanggihan na gawin ito.
    
“Nandiyan pa rin naman ang pangarap ko na maging isang sikat na singer.

“Siguro nasa tamang panahon ang lahat, ngayon ay nagpapaka-comedienne muna ako sa Bubble Gang.

“At dito nga sa A1 Ko Sa ‘Yo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN