Benjamin Alves dismisses old "sex video" issue: "Wala na po 'yan."

Benjamin Alves shrugs off his alleged "sex video" from last year's Cosmo Bash: "Marami na po tayong nagawang bagay for such a long time na hindi na po kailangang pag-usapan, para sa akin. I've never talked about it so there's no reason to talk about it now."


Hubadero si Benjamin Alves sa A1 Ko Sa Yo na bagong sitcom ng GMA-7.

“Pag nagte-taping po kami, laging diet, kasi lagi pong walang T-shirt sa eksena.

“But nakakatuwa po, kasi comedy naman.

“I've been wanting to do comedy for the longest time. First ko po ito.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa presscon ng A1 Ko Sa Yo noong nakaraang Martes, May 24, sa GMA Network Center.

PROUD OF WORKING WITH JACLYN. Kinumusta naman namin sa Kapuso hunk kung ano ang pakiramdam na makasama sa show ang Best Actress ng 2016 Cannes Film Festival na si Ms. Jaclyn Jose?

“Yun nga po, e.

“Pero hindi pa po kami nagkakaeksena but magkakaroon, bilang siya po ang head ng A1 [talent agency].

“Yung character ko po, papasok sa agency niya.

“So excited po akong magkaroon ng eksena na kasama siya, na magpapalitan kami ng linya.

“I’m excited to work with her. I know most of the family—sila kuya Gabby [Eigenmann].

“I know almost everybody and they attest na she’s really a nice person.

“And I was able to talk to her on the set naman.

“I introduced myself, so I’m looking forward to building a relationship with Ms. Jaclyn Jose.

“I mean only if for the fact that she’s a great actress, what more now that she’s 'the' Jaclyn Jose nga so…”

Sa A1 Ko Sa Yo ay bida si Jaclyn bilang Digna Molina, at kasama rin sina Solenn Heussaff bilang Miley, Gardo Versoza bilang Rolly Molina, Ervic Vijandre bilang si Eroll, Sef Cadayona bilang Enzo, Roi Vinzon bilang Primo, Denise Barbacena bilang Kaycee, Gee Canlas bilang Tintin, Mara Alberto bilang Kath, at si Benjamin bilang Jay.

Sa direksyon ni Randy Santiago, mapapanood ito tuwing Huwebes ng gabi simula January 2.

SEX VIDEO. Napadako naman ang usapan tungkol sa “sex video” ni Benjamin na yung kuha mula sa isang cellphone sa Cosmo Bash last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang rumarampa kasi siya noon ay mayroong isang miyembro ng audience na nag-abot ng kanyang cellphone kay Benjamin.

Kinuha naman niya ito at itinapat sa loob ng shorts niya habang rumarampa without knowing na naka-on pala ang video function nito, kaya nakuhanan ng video diumano ang mismong pagkalalaki niya.

“Huwag na nating pag-usapan,” ang tumatawang pag-iwas sa isyu ni Benjamin.

Banggit pa namin kay Benjamin, at least yung sa kanya ay hindi talaga sinasadyang sex video, hindi tulad ng sa iba na talagang may ginagawang kalaswaan sa harap ng kamera habang may ka-chat na kung sino.

Naapektuhan ba siya ng pangyayari?

“Tagal na niyan, tagal na po niyan,” paglinaw niya.

Tinawanan lang niya?

“Wala na po 'yan.

“Marami na po tayong nagawang bagay for such a long time na hindi na po kailangang pag-usapan, para sa akin.

“I’ve never talked about it so there’s no reason to talk about it now,” dagdag pa niya.

Ano naman ang masasabi niya sa mga kapwa niya male celebrities na may mga sex video; na ang iba sa mga ito ay mahahabang videos talaga?

“I felt bad for these people, nakakaawa kasi mga tao po sila, e.

“May mga pamilya po sila, e. They have parents as well so, kahit artista po kami, artista po sila, tao pa rin.

“You know that’s what you empathize with, kasi may mga magulang sila, e.”

Kaya dapat maingat silang mga celebrities.

“So dito po [sa A1 Ko Sa Yo] pinag-iingatan ko ang katawan ko,” ang natatawang pag-iwas pa ni Benjamin sa usapin tungkol sa sex video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN