Bayani Agbayani not interested in getting into politics: "Siguro kung magbabago yung sistema."

Bayani Agbayani on why he doesn't want to get into politics: "Ayoko! Ayaw ng asawa ko din kasi sabi niya, 'Baka kainin ka lang ng sistema, e.' Siguro kung magbabago yung sistema. Kung magbabago, baka sakali, tatakbo ako."

 


“Two years na 'to, 'no?” bulalas ni Bayani Agbayani tungkol sa pelikula nilang Tatay Kong Sexy na ipapalabas na sa mga sinehan sa June 1.

Mahigit tatlong taon na ang nakalipas mula noong gawin nila ang naturang pelikula na pinagbibidahan ni Senator Jinggoy Estrada.

Nagulat nga raw siya noong nalaman niyang ipapalabas na ito.

“Pero natuwa ako ngayon, dahil nga sa nangyayari.

“'Eto nga, nandito ako, parang talagang peak ang career ko,” at tumawa si Bayani.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang komedyante kagabi, May 27, sa Cinema 6 ng Gateway Cineplex sa Cubao sa press preview ng Tatay Kong Sexy.

Kuwento niya, “Tumawag si Kuya Jinggoy sa akin kahapon.

“Sabi niya, ‘Puntahan mo naman yung press preview.'

“Sabi ko, ‘E ikaw, anong oras ka darating?’

“Sabi niya, ‘Sira ulo ka!’

Tulad ng alam ng lahat, kasalukuyan pa ring naka-detain sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame si Senator Jinggoy at Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.

SHELVED PROJECT. Ano ang naramdaman ni Bayani na hindi nga naka-attend si Senator Jinggoy sa press preview ng Tatay Kong Sexy?

Kahit sa iba pang promo events nila para sa pelikula ay hindi rin nakakasali ang senador.

“Siyempre malungkot, pero at least, yung pangarap niya na nagawa niyang pelikula … kasi sabi nga niya, kung tatagal pa nang tatagal ‘to, maluluma nang maluluma. So, sana naman maipalabas na.

“Kasi talaga namang maganda yung pelikula, e.

“Masaya, masaya. Kasi nung ginagawa namin yan, tawanan sila nang tawanan dun sa set.”

Sa direksyon ni Jose Javier Reyes, ang pelikula ay pinagbibidahan din nina Maja Salvador, Jolo Estrada, Dominic Roque, at Empress Schuck.

NO NETWORK CONTRACT. Sa ngayon ay sa ABS-CBN may show si Bayani.

“Pero wala akong exclusive contract,” paglinaw niya.

Gaano ba siya katagal nawala sa Dos?

“Hindi ko na alam, kasi naikot ko na yung mga network, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Muntik na nga ako sa Animal Planet, e!

“Oo, malapit na. Sa National Geographic nangharang ako ng usa, 'tapos pinahabol sa akin yung isang lizard!” pabiro niyang hirit.

Kumusta naman ang muli niyang pagbabalik sa Kapamilya Network?

Aniya, “Meron akong sitcom, Funny Ka Pare Ko, kami ni Karla Estrada, pagkatapos may gagawin na sitcom at saka soap.”

Puro sa ABS-CBN ang mga gagawin niya ngayon.

“Oo, ganun ako. Pag nasa isang channel, hindi ako gumagawa sa iba,” pagmamalaki niya.

Bakit hindi siya pumirma ng kontrata sa ABS-CBN?

“E, wala namang nagpapapirma sa akin, gusto ko na nga sanang pumirma, e.

“Kung meron ba, e,” at tumawa si Bayani.

“Gusto ko ngang sulatan yung wall, e. Kaya lang baka vandalism, kahit pirma ko lang dun, e. 'Di ba, sa may gate?”

MANAGER. Ang talent manager na si Noel Ferrer daw ang tumutulong sa kanyang career ngayon.

“Pero ako naman sa tagal ko na rin, awa ng Diyos, sa industriya, alam ko na rin yung pakikipag-usap sa mga ano...

“Si Noel naman, tinutulungan niya ako pagka tungkol na sa budget, kasi ayoko namang diretso sa akin,” lahad niya.

NO POLITICAL AMBITIONS. Maraming kaibigang pulitiko si Bayani pero wala sa isip niya na pasukin ang pulitika.

“Ayoko! Ayaw ng asawa ko din kasi sabi niya, ‘Baka kainin ka lang ng sistema, e.’

“Sabi ko, kung matatag naman ang puso mo at para sa bansa, bakit naman kakainin ka?

“'Di ba? Although baka nga kainin nga ako. Kaya ayoko.

“Siguro kung magbabago yung sistema. Kung magbabago baka sakali, tatakbo ako.”

DUTERTE SUPPORTER. Supporter ni President-elect Rodrigo Duterte si Bayani; isa nga siya sa mga hosts sa victory/thanksgiving party nito sa Davao sa June 4.

Wala raw siyang hihinging pabor o posisyon kay Pangulong Duterte.

“Wala! Gusto ko lang yung vision niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN