Melason admits marital problem; denies separation

Melai Cantiveros and Jason Francisco admit in their latest Instagram post that they are going through a problem with their marriage. But the couple assures their fans that they have no plans of separating and what they are going through is just a trial.


May pinagdadaanan pero hindi naghiwalay sina Melai Cantiveros at Jason Francisco, kasunod ng mga bali-balitang paghihiwalay nila.

Sa kanilang joint Instagram account, inilahad ng Melason ang tunay na estado ng kanilang relasyon. 

Nitong Biyernes, May 27, binanggit ni Boy Abunda sa kanyang show na Tonight With Boy Abunda na napag-alaman niya sa kanyang source na mayroon talagang problema ang mag-asawa.

Marami sa fans nina Melai at Jason ang nabahala nang mapansin ng mga ito na nabura ang mga naunang posts sa Melason Instagram account

Mayroon din daw isang post na ang caption ay "Melason is over."

Pero sa interview ni Jason kay Boy nung mismong episode din na iyon ng Tonight With Boy Abunda, sinabi nitong na-hack ang kanilang account.

“Nawala yung account namin, na-hack,” paliwanag ni Jason kay Boy.

Ang na-hack na account ng Melason  na @mrandmrsfrancisco ay pinalitan ng bagong username na @greyfullofcolors, taglay pa rin ang 400,000 followers. Kaya naman nagamit muli ng mag-asawa ang username na @mrandmrsfrancisco sa bago nilang Instagram account na mayroon pa lamang 4,000 followers.

Sa kanilang bagong Instagram account ngayong hapon ng Sabado, May 28, isang mahabang statement ang naka-post at nagpapaliwanag sa tunay na estado ng relasyon nina Melai at Jason para sa kanilang mga tagasuporta.

Isang video rin ang naka-post kung saan makikita sina Melai, Jason, at ang kanilang anak na si Amelia Lucille na masayang nagkukulitan.

Sa mahabang statement, nakalagay roon na may pinagdadaanan nga ang mag-asawa.

“Dear Melason, nang mga nakaraang ilang araw may naging balita po tungkol samen, na hiwalay na daw po ang Melason ( forever naging over ),” simula ng post.

“Ang totoo po ay may pinagdadaanan po talaga ang Melason, pero lumaki lamang ito dahil sa naikwento namen sa mga ilang tao at Melason fan.”

Lumaki raw ang isyu dahil nagkataon na na-hack ang kanilang Instagram account na may halos 500,000 followers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkataon naman po na nakuha o na-hack po talaga ang Instagram account ng Melason, kaya din di kame nakaka-post kasi po may pinagdadaanan nga.

“Nalaman na lang namen na nangyayari sa social media dahil nga nasabi samen ng admin ng Melason FB.”

Binanggit din dito ang interview kay Jason pagkatapos ng episode ng It's Showtime.

“Sa ambush interview naman po kaya Papang Jason pagkatapos ng mag-guest sa Showtime, na-interview s'ya tungkol sa issue na hiwalay na ang Melason, pero halata po naman ninyo na obvious na may pinagdadaanan sila (Jason).

“Prinotektahan lang n'ya ang relasyon at sitwasyon dahil alam naman namen (Melason) na pagsubok lamang ito.”

Base sa post, nag-ugat daw ang problema ng mag-asawa dahil sa kakulangan nila ng oras sa isa't isa at sa kanilang pamilya.

“Dahil din siguro di na namin nagagawa ang aming bonding palagi dahil sa sobrang trabaho po namin, na halos sa pagtulog na lang kame ngkikita.”

Tiniyak naman ng Melason na hindi nila hahayaang masira ang kanilang pamilya dahil sa isang maliit na pagsubok.

“Ito ay pagsubok sa isang mag-asawa pero di po namen hahayaang mghiwalay kame dahil lang sa maliit na tampuhan, mahal na mahal po namen ang isat-isa at marami pa kame pangarap sa aming pamiya.

“Huwag po kayo mag-alala, ang Melason ay nagmamahalan at di po kame papaapekto sa showbiz at social media.”

Nagpasalamat din ang Melason sa Diyos, sa kanilang pamilya, mga kaibigan, at tagasuporta na umaasang magiging maayos ang kanilang pagsasama.

“Pero naniniwala kame na nagmamahalan kame nang lubos at kahit ano'ng bagyo at unos ang dumating sameng buhay, di kame maghihiwalay dahil ang tanging sandata lang namen ay ang aming pagmamahalan at respeto sa isat-isa.”

Sa pakikipag-usap naman ng PEP sa isang reliable source, sinabi nitong nagkaroon nga ng tampuhan ang mag-asawa at nag-delete ng mga photos sa kanilang Instagram account na umano'y na-hack, pero nagkaayos na ngayon ang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dear Melason , Nang mga nakaraang ilang araw may naging balita po tungkol samen ,na hiwalay na daw po ang melason ( forever naging over ) , ang totoo po ay may pinagdadaanan po talaga ang melason , pero lumaki lamang ito dahil sa naikwento namen sa mga ilang tao at melason fan, nagkataon naman po na nakuha o na hack po talaga ang Instagram Account ng Melason , Kaya din di kame nakaka post kasi po may pinagdadaanan nga , Nalaman na lng namen na ngyayari sa social media dahil nga nasabi samen ng Admin ng Melason FB .Sa ambush interview naman po kaya Papang Jason pagkatapos ng mag guest sa Showtime , na interview sya tungkol sa issue na hiwalay na ang melason ,pero halata po naman ninyo na obvious na may pinagdadaanan sila (Jason) Prinotektahan lng nya ang relasyon at sitwasyon dahil alam namin namen (Melason) na pagsubok lamang ito . Dahil din siguro di na namin nagagawa ang aming bonding palagi dahil sa sobrang trabaho po namin , na halos sa pgtulog na lng kame ngkikita . Ito ay pagsubok sa isang mag asawa pero di po namen hahayaang mghiwalay kame dahil lang sa maliit na tampuhan , mahal na mahal po namen ang isat isa at marami pa kame pangarap sa aming pamiya .Huwag po kayo mag alala , ang Melason ay nagmamahalan at di po kame papa apekto sa Showbis at Social Media . Gusto rin namen mag pasalamat sa mga kaibigan namen na nanjan samen at sa pamilya namen , ganun din sa mga Melason Fans na ngdasal at ng alala samen , kayo ang isa sa nagpapatibay samen . at syempre higit sa Diyos na sya lang ang may kakayanan na mag hiwalay samen , pero naniniwala kame na nagmamahalan kame nang lubos at kahit anong bagyo at unos ang dumating samen buhay di kame maghihiwalay dahil ang tanging sandata lang namen ay ang aming pagmamahalan at respeto sa isat isa . #melasonishappy #melasonfamily #itisnotover #itisJustADream #justalittlemisunderstanding #loveIsForever #stillMarriedandhappy #GodblessUS #Godisforever

A video posted by Melason ??? (@mrandmrsfrancisco) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN