Eyewitness reveals version of Baron Geisler-Kiko Matos altercation

An eyewitness reveals what transpired last Thursday night, May 26, at the Tomato Kick bar along T. Morato Ave., Quezon City. He recounted that the Baron Geisler-Kiko Matos altercation started when Kiko got irritated with Baron after the latter continuously sang along with band performers on stage. Baron attended the concert event to help raise funds for a political detainee.


Isang eyewitness ang nagbahagi ng kanyang nakita sa nangyaring gulo sa pagitan ni Baron Geisler at ng indie actor na si Kiko Matos sa Tomato Kick Bar sa may T. Morato Ave., Quezon City, noong nakaraang Huwebes, May 26.

Sa Facebook post ng page na Mocha Uson Blog ngayong araw, May 29, isang e-mail ang diumano’y ipinadala ng eyewitness para ilahad ang kanyang nasaksihan, kasama ang isa pang bersiyon ng video ng mga naganap noong gabing iyon.

Sa video na ito, nakitang nakikipag-usap si Baron kay Kiko at sa lalaking may hawak ng mikropono at tila inaawat sila ng mga taong nandoon din sa lugar.

Maririnig din na naaayos na ang gusot sa dalawa at pinagkakamay na sila ng isang lalaki.

Nang makikipagkamay na si Baron kay Kiko ay bigla siyang sinugod at sinuntok nito at dito na nagsimula ang gulo.

Paglinaw din ng eyewitness, ang event daw na dinaluhan nina Kiko at Baron ay isang fund-raising event na binansagang, “Free Maricon Montajes.” Ito raw ay isang benefit mini-concert para sa isang political prisoner.

Nasaksihan niya raw ang mga pangyayari mula sa pagdating nina Kiko at Baron hanggang sa nangyaring gusot sa pagitan nila.

Saad niya, mukhang naka-inom na raw si Baron pagdating nito at sumisingit ang aktor sa tuwing may kumakantang banda.

Subalit bukod sa pagiging “scene stealer” raw niya dahil sa ginagawa, suportado naman daw nito ang cause ng event at nagpapaikot pa nga raw siya ng mga kahon para sa mga donations.

Napansin din ng eyewitness at ng kanyang mga kasama na mukhang naiirita si Kiko kay Baron dahil may pagkakataong binangga niya ang aktor sa pinto. Narinig din daw nila ito na tinawag si Baron na “kupal.”

Sa bandang gitna raw ng event nangyari ang gulo kunsaan kumanta uli si Baron sa stage at inasar siya ni Kiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagalit daw si Baron at nagkasagutan sila ni Kiko, subalit sa huli ay sinabi rin ng una na kalimutan na lang daw nila ang mga pangyayari at magkaayos na.

Nang magse-shake hands na raw ang dalawa ay tinulak at sinapak na lang daw bigla ni Kiko si Baron.

Naawat naman daw agad ang dalawa. Naunang umalis si Kiko habang si Baron naman ay pinag-stay at kinausap pa.

Paglalarawan pa ng eyewitness, kalmado lang daw si Baron habang kinakausap at mukhang ayaw raw talaga ng gulo.

Narito ang kabuuan ng eyewitness account ayon sa post ng Mocha Uson Blog:

"Magandang Araw po. Ito po ay isa pang video footage ng away nina Baron at Kiko sa Tomato kick MOrato nung Free Maricon Montajes na Benefit Gig. Gusto ko lang po magbigay ng paglilinaw kasi andaming mga maling chismis dun sa naganap.

“Andun po ako that night. Nagpunta ako kasama ilang friends para magbigay din ng tulong dun sa mga political prisoners na ilang taon na nakakulong nang walang dahilan. Mapipyansahan na kasi kaya nagpapafundraising yung event. Mukha namang ayos nung umpisa, gusto lang talaga ng lahat makatulong para kay Maricon.

“Andun si Kiko Matos (indie actor) dumating mga bandang 9pm, may kasama na mga tatlong lalaki. They sat on the opposite side from us katabi ng door. Di ko alam kung sino nag-imbita pero andoun siya. Maya-maya dating si Baron Geisler tsaka isang girl na nakastripes. Tapos si Baron mukhang nakainom na yata. Anyway, nagstart na yung mga banda tapos every band, sumisingit si Baron tapos kakanta. Ang awkward kasi scene stealer pero he supports the cause. Nagpapaikot nga din siya nung kahon para magdonate mga tao.

“Pansin na namin ng friends ko na naiirita si Kiko sa kanya kasi may time na binangga niya si Baron sa may pinto. Tapos we heard din Kiko calling him “Kupal” and telling him to leave the stage. Bandang gitna ng event, kumanta ulit si Baron tas inasar siya ulit ni Kiko. Nagalit na si Baron and nagkainitan sila tsaka nagkasagutan nang masama pero Baron told Kiko to make peace and asked to just forget about it na lang. Nagkalapit sila to shake hands. Tapos biglang tinulak at sinapak ni Kiko si Baron. Nagulat kami lahat sa loob pati mga tao sa labas, pero buti naawat agad kasi andami lalaki sa loob na humaharang-harang din sa kanila (makikita niyo rin po sa video). Umalis na si Kiko pero pinagstay at kinausap muna si Baron. Kalmado lang, mukhang ayaw talaga ng away kasi respetado naman daw niya ang advocacy ng event. Nagpunta lang talaga sila tsaka kami para makatulong dun sa nakulong tapos maaagrabyado pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito po yung tunay na nangyari, at sana po e mairelease ninyo ang bidyo at ang kwento. Wag niyo lang po ireveal ang identity ko, para na rin sa kaligtasan ko po. Salamat."

FIRST EYEWITNESS ACCOUNT. Sa naunang video na inupload sa Facebook noong May 27, iba ang kuwento ng isang saksi sa mga pangyayari.

Ayon sa kanya, may minura raw si Kiko na isang bar waiter at ipinagtanggol lamang daw ni Baron ang waiter kaya sila nagkainitan ni Kiko.

Read: Baron Geisler involved in altercation with indie film actor Kiko Matos

Noong gabi ng May 27, nakapanayam ng News5 si Baron, na nagsabing hindi pa sila tapos ni Kiko.

Si Kiko naman ay wala pang opisyal na pahayag tungkol sa pangyayari, bukod sa naging palitan ng komento sa kanyang Facebook account kunsaan sinabi niyang, “I had to do what has to be done.”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang dagdag na pahayang ng mga taong sangkot sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN