Kris Aquino slams 'malicious' online report: "Hindi kami nagtagpo sa Hawaii ni Sen. Trillanes."

Kris Aquino took to Instagram to clarify misleading online reports insinuating that she met up with Sen. Antonio Trillanes during her wellness vacation in Hawaii. She clarified, "HINDI KAMI NAGTAGPO SA HAWAII ni Senator Trillanes. Kung gagawa ng script para siraan ako- mas galingan nyo naman please???"

 


Pinabulaanan ni Kris Aquino ang tungkol sa mga kumakalat na balitang nagkita raw sila ni Sen. Antonio Trillanes nang magbakasyon siya sa Hawaii.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, May 29, ipinakita niya ang link sa isang online article na nagsasabing nagtagpo sila ng Vice Presidential candidate sa Hawaii.

Naka-superimpose dito ang text na "STOP THE LIES."

Ang link na ito ay galing sa website na Taho News. Ito raw ay ayon sa correspondent ng Bombo Radyo na nagngangalang Manny Pascua.

Isinaad naman ng Queen of All Media sa kanyang caption na hindi siya nagsalita ng kahit anong masama tungkol kay president-elect Rodrigo Duterte.

Sabi niya, “Check every post, interview, speech, kahit pa print pa natin lahat ng text messages ko - I have never spoken against President Elect Duterte- hanapin nyo pa his Kris TV guesting when we taped in Davao & I said wish kong mag OJT sa city hall nya.

“I am peacefully spending time w/ my sons, bumabawi sa kanila ng bongga because for too long I was a workaholic Mom- and this time is all for them.

Nalaman lamang daw niya na may kumakalat na tsismis tungkol sa diumano'y pagkikita nila ni Sen. Trillanes sa mga malalapit na kaibigang nagtanong sa kanya.

“I debated whether to address this chismis about Sen. Trillanes & me, heard about it yesterday from a cousin, a close friend, and an ABS coworker.

“I realized I'd let the malicious liars succeed by keeping quiet because by ignoring the made up Hawaii meet up- may maniniwala & may madadagdag na teleserye plot twists.”

Sa huling bahagi ng caption ay iginiit niyang hindi totoo ang mga tsismis na nagkita sila sa Hawaii.

“I do have this venue w/ more than 2 million followers to tell the TRUTH. HINDI KAMI NAGTAGPO SA HAWAII ni Senator Trillanes.

“Kung gagawa ng script para siraan ako- mas galingan nyo naman please???”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Check every post, interview, speech, kahit pa print pa natin lahat ng text messages ko - I have never spoken against President Elect Duterte- hanapin nyo pa his Kris Tv guesting when we taped in Davao & I said wish kong mag OJT sa city hall nya. I am peacefully spending time w/ my sons, bumabawi sa kanila ng bongga because for too long I was a workaholic Mom- and this time is all for them. I debated whether to address this chismis about Sen. Trillanes & me, heard about it yesterday from a cousin, a close friend, and an ABS coworker. I realized I'd let the malicious liars succeed by keeping quiet because by ignoring the made up Hawaii meet up- may maniniwala & may madadagdag na teleserye plot twists. I do have this venue w/ more than 2 million followers to tell the TRUTH. HINDI KAMI NAGTAGPO SA HAWAII ni Senator Trillanes. Kung gagawa ng script para siraan ako- mas galingan nyo naman please??? ??

A photo posted by Kris Aquino ???? (@kriscaquino) on

Matatandaang bahagi ng wellness break ni Kris ang pagbabakasyon niya sa Hawaii pagkatapos ng eleksyon, kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN