Dominic Roque recounts how he resists the lure of indecent proposals

Despite the tempting perks from various indecent proposals, Dominic Roque recounts how he resists the lure of such get-rich-quick schemes, as he takes greater pride in living his humble and modest lifestyle: "Dati pa man, hindi ako naghahangad ng angat agad. Unti-unti. Nagsimula ako, wala akong sasakyan. Nagko-commute ako, nag-e-MRT ako. So hindi ako naghangad ng level-up agad sa ganung klaseng bagay."


Dahil guwapo at hunky ang artistang si Dominic Roque, tinanong namin siya kung meron siyang sex video.

Usung-uso kasi ang pagkalat ng mga sex video scandals ng mga hunky male celebrities sa social media.

“Oo nga, ang dami nga nilang meron.”

“Sa akin wala! One hundred percent!” paninigurado niya.

Hindi ba niya ugaling makipag-cybersex?

Madalas daw ay sa sex chats nare-record ang mga malalaswang videos ng mga male celebrities.

“Hindi, e. Kasi dati alam ko na yan, e.

“Ang dami ko nang nakikitang mga chatrooms about it.

“So nung dati, siguro estudyante pa lang ako nun, I mean, sigurong hindi pa ako pumapasok ng showbiz, alam ko na, na puwede nilang i-record yung ganung bagay.

“So parang… yung mga pinsan ko, yung mga ano ko dati na nakakakita, tintingnan ko, ‘Paano ba ito?'

“Posibleng i-record nila ‘to kung may hawak silang phone or something sa computer nila.

“Lalo na pag nakatapat sa ‘yo yung camera, di ba?

“So ayun. Dapat ang ginawa nila, hindi kita yung mukha,” payo niya.

Ibig bang sabihin, nagawa na rin niya dati pero hindi kita ang mukha niya?

“Hindi, hindi!” muling pagkumpirma ni Dominic na hindi siya kailanman nakipag-cyber sex sa kahit na kanino.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic nitong nakaraang Biyernes ng gabi, May 27, sa Cinema 6 ng Gateway Cineplex sa Cubao sa press preview ng Tatay Kong Sexy kunsaan isa siya sa mga bida.

Sa direksyon ni Jose Javier Reyes, ang Tatay Kong Sexy (na ipapalabas sa June 1) ay pinagbibidahan nina Senator Jinggoy Estrada, Maja Salvador, Jolo Estrada, Empress Schuck at Bayani Agbayani.

INDECENT PROPOSALS. Pero inamin ni Dominic na nakatanggap na siya ng indecent proposal mula sa mayamang bading, at tinanggihan niya ang mga ito.

Ano ang pinaka-bonggang offer na nakuha niya?

“Ang dami! May bahay, may kotse,” pagkumpirma ni Dominic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kilala ba ang mga taong ito?

Aniya, “Hindi ko alam, e. Basta meron, nag-o-offer.”

Dirertso ba siyang nilalapitan ng mayayamang bading or merong mga “middle man?”

“Thru a friend of a friend, ganyan.

“Offer, tapos kukumustahin ka , ganyan-ganyan,” dagdag pa niya.

May presyong sinasabi?

Ani Dominic, “Hindi presyo, e.

“Sasabihin nung… kaya tinanggal ko na sa kaibigan ko yung isang yun, e! May kaibigan ako na…”

Bugaw?

“Oo! Sabi niya, ‘Meron akong kilala, yung boss ko,' ganyan-ganyan.

“Nagtatrabaho siya dun sa taong yun. Ang yaman nito!’

“‘Mabait,’ ganito ganyan. Mag-dinner daw kayo, labas daw kayo.’

“Bading yung boss niya. Tapos, nag-aaya lumabas, ganito-ganyan.

“Sabi ko, ‘Hindi, e.’

“Hindi ako sumama,” pahayag niya.

Paano umabot sa punto na in-offer-an na si Domnic?

“Kasi siya [yung dati niyang kaibigan] ang nagsasabi.”

Na bibigyan siya ng bahay o kotse?

“Oo. Sabi, ‘Mayaman ito,’ ganito-ganyan.

“‘Bibigyan ka raw ng bahay!’

Ano ang isinasagot niya?

“Sabi ko, ‘Hindi, e’

“Sabi niya, ‘Ibibigay daw sa iyo kaagad yung kotse, kung anong gusto mo!’

“Sabi ko hindi talaga. Yung taong yun na nakilala ko thru a friend also, nakalaro ko sa badminton before, sinabi ko sa kanila na, ‘Itong kaibigan n'yo, bugaw!’

“Hindi porke’t siya nakakakuha siya dun sa taong yun, e sa akin niya ipapasa yung ganito,’ ganyan-ganyan.

“Ako, okay naman ako, e.

“Nabubuhay naman ako nang maayos, kumikita naman ako nang maayos,” pagmamalaki niya.

Aware ba siya na may ibang artistang lalaking pumapatol sa ganoong set-up?

“Oo! Hindi maiiwasan.”

E, si Dominic paano niya naiiwasan?

“Dati pa man, hindi ako naghahangad ng angat agad. Unti-unti.

“Nagsimula ako, wala akong sasakyan. Nagko-commute ako, nag-e-MRT ako.

“So hindi ako naghangad ng level-up agad sa ganung klaseng bagay.

“Kung nakabili ako ng sasakyan na luma, unti-unti kong pinagtrabahuhang maigi na makakuha ng mas magandang sasakyan.

“Magdadasal ako na yung performance ko sa taping o sa trabaho, dapat kong galingan, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So iyon, yung nga proposal na ang daming ganyan sa akin, na kung sinu-sino, hindi ko naman kahit kailan pinag-isipan na gustuhin o patulan,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN