Luis Alandy now engaged to non-showbiz girlfriend Joselle Fernandez

Engaged na si Luis ALandy sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Joselle Fernandez. Nangyari ang proposal sa Lake Tahoe sa Amerika nitong nakaraang May 12.


Engaged na ang aktor na si Luis Alandy sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Joselle Fernandez.

May 12 pa ito nangyari sa Lake Tahoe, sa Sierra Nevada, USA, kung saan kasalukuyang nagbabakasyon ang dalawa.

Kahapon, May 29, inanunsiyo ni Luis sa kanyang Instagram account ang engagement nila ni Joselle.

Sabi ng 36-year-old actor: “I'm so proud to announce that my love said, YES!! The happiest, most memorable part of our trip. May 12, 2016. Lake Tahoe.”

Noong 2015 naging open si Luis sa pagpo-post sa kanyang Instagram tungkol sa kanila ni Joselle.

Read: Luis Alandy posts photo of rumored non-showbiz girlfriend

Samantala, bumuhos naman ang congratulatory messages ng fans pati na ng mga kaibigan ni Luis sa showbiz; katulad nina Pauleen Luna, Iza Calzado, Yam Concepcion, Japoy Lizardo, Mo Twister, at Chanel Morales.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN